29 November 2008

comeback post (part 1)

*Warning: Long post ahead. kahit hinati ko na sa 2 parts ang blog ko para sa buong week ay mahaba pa din siya. sobrang dami talaga kasing nangyari sa buhay ko nung nakaraang linggo. ayoko namang brief summary lang ang ibigay ko kasi meaningful at worth reminiscing silang lahat. ye! so please bear with me, readers (kung meron man.:P)

Monday

first time kong aattend ng klase sa ICT. =) haha. nung first meeting kasi e may sakit ako tapos nung second meeting naman ay absent si maam mitch. so technically, first time ko to. =) exciting! gaya ng inaasahan, konti ang ang pumasok samin pero gow pa din si maam sa pagdidiscuss hanggang sa biglang pinutol ung klase namin dahil kelangan daw ng audience para sa nagaganap na film viewing sa TJF. so aun, nawalan kami ng klase. :P tapos next week (Dec.1) wala kasi long holiday and the week after next week (Dec.8) wala ding pasok dahil piyesta ng Immaculate Conception. kawawa ung klase ni mam..

ung film viewing pala sa TJF ay ung israeli film fest. pinanood namin ung bubble at noodle. maganda naman sila. (un lang nasabi ko e no?:P) haha. basta, panuorin niyo na lang para mas feel na feel.:P haha.

after nun, mahabang tambay.:P haha. dapat gagawa na ako ng paper para sa devcom kaso nakakatamad kaya hinintay na lang namin ung game nila pol laban sa psy. =)

around 630pm,nasa Sta. Fe court na kami. naabutan namin ung championship game ng basketball girls. JOU vs. PSY. ganda ng laban! natambakan ang JOU nung mga last 2mins tapos nakahabol! basta! astig! heart pounding.:P haha. congrats sa JOU basketball girls! champion! =) haha.


pep squad.:P haha. (pic courtesy of Sam Gadiane)

next game, basketball boys naman. una lamang ang COM tapos bigla ding nakahabol ang PSY. grabe. crucial pa naman ung larong un kasi championship na. twice to beat ang PSY. pag natalo ang com, wala ng laban. buti na lang nanalo ang COM! yeh! sa wednesday na ulit laban nila. =)


isa na lang. isa pa. (pic courtesy of Sam Gadiane)


nakakatawa din pala si julie during the game! nahanap na niya ang lablayp niya.:P haha. Az***.

grabe. gabi na ako nakauwi! wala pa akong nasisimulan sa devcom kaya talagang puyatan eto. :P haha. mga 1am (Tuesday) naisipan kong magluto para naman magising ang diwa ko at makapagisip ako nang maayos. edi luto no? e ang tagal maluto kaya gumawa muna ako ng sa devcom, tapos na-realize ko na lang na parang amoy sunog! haha. badtrip, may niluluto pala ako! kaya ang ending:



sunog.:P

at ang moral lesson: hindi masama mag multi-tasking as long as natatandaan mo na may isa ka pang ginagawa. AT iwasan magluto pag bangag. :P haha.

TUESDAY

730am na pero ginagawa ko pa din ung devcom paper ko. toxic talaga. :P mega paspas talaga. tapos first time kong makasakay sa ikot lasalle.:P haha. cool!

sa devcom, discussion lang tungkol sa millenium development goals. tapos tambay. sa brodjou, okay lang. nagkakaroon na ng development ung klase namin.:P haha.

pumunta ulit kami sa sta. fe para manood ng volleyball championship game. nanalo ang PSY sa women's divison. di na namin tinapos ung sa male dahil gusto ko makabawi ng tulog.

pag-uwi ng bahay, pahinga. tapos maya-maya nakareceive ako ng text message kay ayhen. tinatanong niya kung alam ko na daw ba ung tungkol sa accident na nangyari. edi simyepre na-shock ako kasi wala akong kaalam-alam sa mga nangyari. tinext ko si arvin. tapos un nga, he confirmed to me na ba (COM42) got into an accident. nawalan ng control ung kotse niya tapos bumangga sila sa center island malapit sa nicasia. she was with anne. muntikan na makasama dito si philip pero nakakababa na pala siya nun sa manuela. total wreck daw ung kotse ni ba pero they're okay naman. injured lang silang dalawa. tapos sinabi din ni arvin ung tungkol sa taga-COS na namatay during their basketball game. bigla nalang daw nag-collapse tapos ayun na. dead on arrival sa hospital. saklap grabe. nakakabigla. bestfriend pa naman ung nila anna at marianne. sobrang bilis ng pangyayari. :( kapag talaga 4th year student, lapitin sa disgrasya. :( hay.

WEDNESDAY


umattend ako ng seminar ni Khavn dela Cruz. host dun sina pol at alex. =) sobrang saglit lang ung seminar. madami pa sana akong gustong itanong kaso kulang sa time.

after ng seminar, nag-bazaar kami ni pol tapos hinatid na niya ako sa bahay para kunin ung mga bagahe ko. may pupuntahan na naman kasi akong seminar e. Lasallian Formation Camp. haha. :P (active!) sa la salle greenhills lang naman. dapat talaga hindi na ako kasama dito kasi hindi ako nakaattend ng orientation nung last saturday pero buti na lang at binigyan pa ako ng chance nila at ate vanes at kuya keane. =) di ako nahatid ni pol sa greenhills kasi championship game nila. ayun. ako na lang magisa bumyahe. =)

madali lang naman pumunta sa LSGH. 73opm nandun na ako.

madami na ding mga student facilitators ang nandun. =) ang una kong nakilalang faci ay si paul (o ha!:p) tapos nag-reunion kami ni web (delegate din ng ILYG). at marami pang iba.



nag-dinner kami sa Grilla, Promenade. first time kong makapunta don. haha. bigtime! sarap ng food dun! libre pa nila! haha. tapos nagdessert kami ng donut (Krispy Kreme). libre din nila! haha. yeh! sarap talaga pag libre! =)

pagbalik sa LSGH, nagprepare kami para sa mga activities ng camp. =)






No comments: