18 November 2008

olats

MONDAY

walang klase sa ICT. wooh! kaya mula 9am hanggang 530pm e nakatambay lang kami sa school.:P cmon! define boredom talaga.:P haha. gusto ko na sana umuwi nun kaso may laban pa ng table tennis sa gabi kaya nag-stay na lang ako sa school.

semis na ng table tennis. sa 2 taon ko ng varsity ng table tennis halos kabisado ko na ung laro ng mga makakalaban ko (kami kami lang din kasi naglalaban e.:P) kaya sembreak pa lang nagiisip nako ng mga tactics kung pano ako mananalo. kaso wala e.:P natalo ako sa polsci (puro smash kasi!:P) at sa psych (nanggigil ako sa bola!) kaya 3rd place na lang ako. :( wala. nakakalungkot. kasi gusto ko talaga manalo para naman may ma-contribute ako sa COM kaso di nangyari e. :( di bale, ang next goal ko na lang e mag-champion ang CLA table tennis sa inter-college. =) last year kasi, 1st runner up na kami e! ang lakas kasi ng CEAT. sana this year, manghina na sila.:P haha.

TUESDAY

kanina naman, late ako sa devcom. haha. ang saya no? lagi akong late sa mga klase ko.:P nakakapanibago ung room kasi hindi kami sa JFH. nasa FCH kami kanina. parang ibang mundo.:P di ako sanay. :P haha. discussion lang. feeling ko magiging favorite subject ko ang devcom ngayong sem. =)


broadjourn. sows! walang kwenta. sobrang boring. nagsisisi talaga ako kung bakit hindi ako lumipat ng klase! asar! sobrang nakakaiyak na ung boredom e. nung nalaman ko pa lang na SIYA ulit ung prof namin dun talagang inisip ko na na lilipat ako ng klase kaso umiral na naman ang aking emosyon kaya hindi na. yan tuloy! sobrang nagsisisisi ako sa ginawa ko! graduating na kasi ako, gusto ko naman makalaya sa kamay ng mga walang kwentang prof no! hay. badtrip talaga. pero may magagawa pa ba ako? e tapos na ung adding/dropping. kaya isang buong sem akong mabubulok sa klase niya.

un lang naman. later alligator.


No comments: