19 November 2008

usapang ganis

long day kahit wala akong pasok ngayon.

binenta na namin ni pol sa junkshop ung mga nakolekta naming bote at dyaryo. sabi nila mahal daw ang bilihan ng scrap sa windward kaya dun kami nagpunta. kaya lang parang nadaya kami dun! ang dami ng dala namin tapos 70php lang nakuha namin! cmon! san pupunta ang 70php diba? hay. di ko alam kung dala lang ba to ng bagsak na ekonomiya o sadyang nadaya lang kami. tsk tsk.

after nun, tambay saglit. tapos inayos ko ung ibang "business" ko. :P haha. at finally, nag-officiate ako sa championship game ng table tennis boys. =) lupit kamo ng laban ng PSY at PSC! malayuan ang mga smash e. :P haha. stig! pero nanalo pa din ang PSY. so bale sa inter-college, ang papasok sa table tennis team ay sina perry, nats, kuya philo (para sa boys) at ako, inna at jamaica (para sa girls). wooo! go!

retreat namin bukas! =) yeh!

dapat din matutulog sina kiray dito kaya lang di ko na lang alam kung anong nangyari? :P

**

madami akong iniisip ngayon. sobrang bigat sa pakiramdam. kala ko hindi na mauulit ung ganito pero eto ako ngayon problemado. hay. alam kong mahirap talaga pero hindi dapat ganito kahirap. parang nakakalimot na kasi ung iba na magkakapamilya tayo pag umaabot tayo sa ganitong sitwasyon. wala. nakakairita na kasi minsan ung paninindak, sermon etc. nakakatulig na. e ako pa naman ung tipo ng tao na lalo mong binubwisit, lalong mambubwisit kaya sana intindihin naman natin ung kalagayan ng isa't-isa. tsaka sana pag maggGM, pakiayos ang grammar. nakakairita din kasi pag boblats na english na ung narereceive ko e. hay.

No comments: