Nov. 20-21, Retreat.
First time kong magkaroon ng matinong retreat. nung HS kasi kami, wholeday lang ung "retreat" namin tapos parang wala lang. tambay lang ung ginawa namin at ang walang kamatayang letter na limited lang sa 4 persons ang pagbibigyan. ang saya diba? :P haha. kaya sobrang na-excite ako sa retreat na to kahit mejo wrong timing siya dahil madami pang iniisip (thesis!). =)
First time kong magkaroon ng matinong retreat. nung HS kasi kami, wholeday lang ung "retreat" namin tapos parang wala lang. tambay lang ung ginawa namin at ang walang kamatayang letter na limited lang sa 4 persons ang pagbibigyan. ang saya diba? :P haha. kaya sobrang na-excite ako sa retreat na to kahit mejo wrong timing siya dahil madami pang iniisip (thesis!). =)
first time in 4 years na hindi namamaga ang mata ko pag mga ganitong event. haha. parang the day/night before the reco e lagi akong umiiyak. as in. ang natatandaan ko lang na dahilan kung bakit maga ang mata ko e nung reco namin nung 1st year. nung 2nd at 3rd, di ko na matandaan. :P haha. at first time din in 4 years na early bird si drew!! haha. siya daw ang kauna-unahang dumating na COM41 sa chapel.:P ayaw maiwan ulit? :P haha. cool.
buong biyahe tulog ako. :P
pagdating sa Charles Huang Conference Center, breakfast na malamig. :P haha. dami din pala naming magreretreat. COM42, COM43, PSC41 at PSC42. haha. cool! ika nga ni kuya alex, "isipin mo na lang party yan." haha.
after breakfast nagkaroon ng brief orientation tungkol sa rules and regulations at nag-assign na din kung saang dorm kami matutulog. =) kabado ung mga lalaki e! :P (FYI: 9 lang lalaki sa block namin. 4 dun ang miyembro ng federasyon.:P) haha. nakakaaliw! sobrang kabado si drew! :P
sa dorm 3 ako nilagay. ang mga dormmates ko ay sina mel, marianne, mariss, chrissie (welcome back!), kare, mon, pat, lanie, wee, uge, rai, pags and claire. haha. ang saya sa dorm namin! laughtrip talaga! siyempre ba naman e kasama namin si kare, pag tumawa un, yari na. :P haha. sobrang saya sa dorm namin pero wala naman kaming sariling CR. :P haha. kailangan pa namin lumabas para makakgamit ng cr. haha. cmon! laughtrip to:
Mon: hala, wala tayong cr. e pano yan pag maiihi ako sa gabi edi lalabas pa ako.
Kare: edi ang gawin mo, kuha ka ng plastic tapos dun mo na lang isahod ung ihi mo.
haha. kadordor! :P
10-6pm ata e ung mga session. siyempre may mga breaks in between. masaya ung mga session! memorable dun ung sharing namin ng mga HOT (name of our group) groupmates ko sa river of my life activity. madami akong nalaman tungkol sa mga plano nila in the near future at masasabi kong mas lalo kong naintindihan ung mga pinagdadaan nila ngayon. nakakaiyak ung kina melai at fafi. :( tapos after nung sharing namin, lahat ng gropmates ko nagsabi na sana forever na talaga kami ni pol. :P awwwww. =)
masaya din ung sharing namin sa affirmation activity. eto ung activity na sasabihin mo sa mga groupmates mo lahat ng positive traits. natuwa ako sa sinabi ni fafi na, "alam mo naman pala na may magandang side ung isang tao bakit pa kailangang magkaroon ng conflict." ung sinabi ni fafi e tungkol sa nangyaring "cold war" sa section namin nung 2nd year kami. =) basta. natutunan ko sa activity na un na i should try to see the good in everyone. walang perfect na tao. =)
nga pala, natatawa ako sa mga pakana nila drew, nebs, sunday, jill at pol. ung huhulaan kung ano ung lunch at dinner. umaasa talaga si sunday na sinigang na hipon ang iseserve samin for dinner. haha. asa naman diba? :P haha. tapos nung dinner namin, daming nakuhang choco mucho ni pol!!! daming nagbigay sa kanya! parang ngang naka-1 box na din siya e. :P takaw takaw talaga. :P
nagpicturan din kami bago magevening session. una sa dorm, talagang pinagtripan namin ung cabinet dun at si mariss. :P haha.
nung sawa na kami sa dorm, lumabas naman kami. :P sumalang sa tough ten si mariss. :P haha.
evening session.
nangyari na ang activity na nagpasira sa pagako ko na hindi ako iiyak sa retreat ---ang candle activity (di ko alam ung talagang pangalan e.:P). haha. eto ung magpapalitan kayo ng kandila sa mga classmates na gusto sobrang nagpapasalamat ka, nakasamaan mo ng loob o ung talagang trip mo lang bigyan. edi habang nakikipagpalitan ako, ang saya-saya ko pa kahit nakakaiyak na ung mga sinasabi nila sakin. hindi talaga ako natinag kasi hindi ko talaga feel umiyak. pero nung dumating si MELSHEENA un na. hindi pa siya nagsasalita, sobrang naiyak nako! haha. wala kaming issue sa isat-isa pero bigla kaming nagdrift apart.:P hindi ko alam eksakto kung kelan pero parang everyday na lang e napapalayo kami sa isat isa. nakakalungkot kasi isa siya mga ka-close ko sa klase tapos biglang ganun. :( hay. sobrang na-miss ko lang siya kaya ako napaiyak. :P haha. at siyempre pagkatapos ng activity na un e nilait niya ako ng bonggang bongga. siraulo talaga un! :P haha.
pagkatapos ng activity, nag-usap muna kami ni pol saglit tapos balik na sa kanya-kanyang dorm. busy ang mga tao sa paggawa ng letters. :P haha. kami nila marianne at mariss e tinamad kaya natulog na lang kami. :P haha.
630am nagising na kami (dapat 5am kaso tinamad). diretso ligo. badtrip kamo, hindi gumagana heater kaya nagyeyelo ang tubig! haha. :P
morning session. film viewing tungkol sa missionary na binigay ang sariling buhay para makapagligtas ng iba. di ko masyadong napanood kasi natulog ako. :P haha. tapos nun, mandala activity na. eto ung activity na kung saan ido-drawing mo ung object na sumisimbulo sayo. ang dinrawing ko ay sponge. =) may malalim at nakakaiyak na istorya yan kaya ishshare ko na lang next time. =) natawa ako kay fafi. :P kasi ang dinrawing ni angel ay rainbow, e ganun din kay fafi kaya nung turn na niya nagsabi siya ng, "hmm. ung sakin naman MUCH BETTER rainbow." haha. panalo!
at sa wakas, class picture. =)
mass before going back to dasma. =) astig din ung pinakitang AVP! bidang bida sina ianne at sunday e! haha. exposure! :P
bago sumakay sa bus, ginawa namin ang tradisyon na shot namin:
haha. 3rd year lang kami hindi nakapagpa-picture ng ganito. tsk tsk. i-post ko kaya dito ung mula 1st year kami para makita ung mga pagbabago samin? :P haha.
nung nasa bus na kami, natawa ako sa mga banat nila pao at lai. :P
lai: ikaw sunday! sinulatan kita pero wala kang sulat sakin!
haha. namumuwersa? :P tapos meron pa.:P
lai: sunday, mahaba-haba ang biyahe pabalik sa dasma kaya mataas ang expectation ko sa sulat mo.
tapos ung kay pao naman:
pao: ate pat, bakit wala kang sulat sakin?
pat: nako. sorry.
pao: ano ba yan, writer ka pa naman din sa heraldo, 2 sentences lang di mo pa mabigay!
haha. laughtrip.
nung nasa school na kami ni pol, nag-sago gulaman muna kami sa square tapos pumunta kami sa JFH para maghintay ng game nila sa sta. fe.
fast forward.
1st game: volleyball girls, COM vs. PSY. nung una, tambak ang psy pero humabol ang com! haha. galing! maghaharap ulit ang dalawang teams para sa championship. =)
hindi natuloy ung second game. di ko alam kung bakit. pero okay na din na hindi natuloy kasi 8om na nun! e next game pa sina pol. :P haha
3rd game: basketball boys, COM vs. PSC. parehas galing sa retreat. :P haha. dehado ung PSC kasi 7 lang ata sila samantalang sina pol e 12 ata. :P haha. full force ang COM e. :P haha. kaya ang ending, nanalo ang COM at sila na ang uusad sa finals. =) parang easy game lang ung laro nila pero nainnjured si ivan. tsk tsk.
10pm na natapos lahat. 1030 ako nakarating sa bahay.
**
gumaan ung pakiramdam ko after retreat. ang dami kong natuklasan sa sarili ko. =) at mas lalo pang tumibay ang samahan ng COM41. sayang nga lang at mejo too late na para ma-realize un kasi ang dami ng nangyari e pero hindi yan! we still have 4 months para magbonding ng bonggang bongga. =) gow COM41. =)

No comments:
Post a Comment