18 December 2008

interview


nagpunta kami ni pol sa Makati para gawin ung devcom project. =) pinuntahan namin ung office ng SWAPP sa cityland. nag-taxi kami from baclaran hanggang dun kasi di namin alam kung pano ba talaga pumunta sa office. 250 ang siningil samin! lerkey. tapos nung nakarating na kami sa office, na-realize namin pareho na familiar ung place. :P haha.

pagdating namin sa office ng SWAPP wala pang tao kaya kumain muna kami. pagkabalik namin, may tao na kaso sinabi nung secretary na wala daw appointment ngayon si Sir Deo. e di nataranta kami kasi nagemail si sir kahapon na okay na daw tapos biglang wala pala. ayun. buti tinawagan nung secretary niya sa bahay tapos naging okay din. naghintay nga lang kami ng 2hours ata. :P sabi ng secretary matulog daw muna kami, edi natulog nga kami.:P haha.

11am, dumating na si sir. okay naman. interview na agad.


lunch sa aristocrat, MOA. nasulit ang bayad! :P haha. tapos sinuyod namin ang buong MOA para maghanap ng corporation/business na may envi program. ung Bantay Baterya sana ng ABS-CBN kaso di na kami kinontak ulit. :( ayun. kung saan saan kami nagpalakad-lakad, pinaikot-ikot hanggang sa nawalan na kami ng pag-asa kaya nag-SM bacoor na lang kami.

at nagtagumpay kami sa SMB! haha. yeah! nainterview namin sila tungkol sa Green Bag. =) ayos! pagkatapos na pagkatapos nun parang lumuwag ang pakiramdam namin.:P haha. success e! :P

nakauwi kami samin mga 730pm tapos nagdinner dito si pol. after nun, umuwi na din siya. tapos ako naman sinimulan ko na ung powerpoint presentation sa devcom.

grabe, karir ako sa paggawa ng presentation! haha. kung may trabaho nga na ang ginagawa e puro powerpoint, nako! magaapply ako dun.:P skill ko kasi ang paggawa ng ganun.:P yeah!

timecheck: 230am gising pa din ako. :P haha. waiting for maris and kiray.

No comments: