19 December 2008

Japa-NICE



last day of classes para sa taong ito. di ko pa maramdaman na tapos na talaga dahil sobrang puyat ako. haha. ung tipong gusto ko ng humiga kung saan-saan.:P hay. tsaka di ko din sure kung makakapagbakasyon ba talaga ako nang walang iniisip na acads.:P yeh! para kaya yan. tamang chill, acads at pahinga ako ngayong break. =)

after magpasa ng devcom project diretso na kami ni pol sa SM para mag-lunch. dapat kasama namin si maris kaso busy ulit siya. haha. kumain kami sa karate kid.


natikman ko ulit sa wakas ang paborito kong kani sushi. =) kahit eto lang kainin ko everyday, keri lang. =) after kumain, stroll lang. bili ng magazine. tambay. nung dumating na parents niya umuwi na din ako kasi antok na antok na talaga ako.:P pagdating sa bahay, bagsak.:P

**

with ielee the jelly

Hindi kita makakalimutan dahil ikaw ang kauna-unahan kong aso. Ikaw ang pinakamalambing at mabait na aso, lagi akong pinapangiti, at laging akong sinasalubong sa aking pag-uwi. Naalala mo kapag binubuhat kita? Kung gaano ka kakulit pag nasa baba ka ay siyang bait mo pag binuhat na - parang batang pinaghehele ng ina. Sana maalala mo yung mga pag-aalala ko sa iyo lalo na noong bata ka pa, at kung paanong lagi kitang hinahabol sa banyo dahil gustong-gustong mong magpakabasa. Naalala mo noong napilay ka? Lagi kitang pinagdadasal sa Diyos na sana makalakad ka na. Naalala mo noong nilagnat ka? Kumuha pa kami ng damo sa labas kasi akala namin gusto mo lang ilabas yung hairball sa tiyan mo, kaso laking gulat namin noong pag-uwi namin maayos ka na. Naalala mo kahapon? Niloloko pa kita...kumakain ka ng tasty bread habang kumakain din ako noong sa akin. Naalala mo kapag kinukutuhan ka namin? Ang dami mo kasing pulgas...pero pagtiyatiyagaan namin kasi mahal ka namin. Naalala mo noong binuhat ka ni Mama at tinitigan ka niya sa mata? Niloloko ko si Mama noon...sinasabi ko na siguro iniisip mo na mukhang ewan si Mama. Joke ko lang naman yun.

Di ko akalain na ang masiglang pamamaalam mo noong umagang umalis ako para mag-exam ay siyang huli nating pagkikita...

Kasi nang umuwi ako...wala na yung mga tahol, wala nang maligalig, wala na yung excited mong mukha.

Wala nang laman yung dating maingay na harapan ng aming bahay.

Noong sinabi sa akin na patay ka na...ayaw kong maniwala.

...

Salamat sa lahat ng alaala.

Mamimiss ko lahat ng tungkol sa iyo.

Iiyak ako ngayon, pangako bukas masaya na ulit ako.

Kita-kits na lang sa patutunguhan mo...ikamusta mo na lang ako kay Lord.

Mahal na mahal na mahal kita. Paalam Krimo.


bago ako pumasok nabasa ko tong entry ni ielee sa multiply niya at naiyak ako. :( naalala ko ung aso namin na si Max. naging aso namin siya nug 6 years old ako. para ko siyang bodyguard.:P lagi niya akong sinusundan pag umaalis ako. kahit nung lumipat na kami ng bahay at nagcocomuute nako hinahatid niya pa din ako sa tric terminal. nawala siya samin nung 2nd year HS ako. katulad ni ielee, in-denial din ako nung umpisa. di ko matanggap na nawala na siya samin. di nga ako sumama nung nilibing siya kasi sobrang malulungkot talaga ako. buti na lang wala pa akong sakit nun sa puso kundi di ko na talaga kakayanin. hay. simula nun, di na ako nagkaroon ng favorite dog. :( para kasing wala ng hihigit pa sa ginawa samin ni Max. loyal talaga siya sa pamilya. :(

kaya ielee, i feel your pain. =) nung nagkita tayo kanina, kahit muka kang masaya alam kong nagluluksa ka. :( hay. masaya na sina Krimo at Max ngayon. =)

RIP Krimo.

No comments: