01 January 2009

anong gusto mong maging?

naisip ko na magandang simulan ang 2009 sa paglalahad ng mga plano ko sa buhay. enjoy reading. :P haha. game!

**

nung bata pa ako hanggang 2nd year HS ako gusto kong maging doktor. un din ang gusto ng magulang ko sakin. sa katunayan, binilhan na nila ako ng sandamukal na medical books (4 volumes) nung 5 years old pa lang ako. tapos binilhan din nila ako ng mga laruang injection atbp at inexpose din nila ako sa panunuod ng Sineskwela. :P haha. kaya ang resulta, mataas ang grade ko sa Science at sa lahat ng essays na pinasulat samin nung elementary kamin ang topic ko lagi ay ang pagkahumaling ko sa medicine. ang winning moment ko sa doktor-doktoran ay nung grade 5! haha. naglalaro kasi ung mga classmates ko nun ng 5-10s (basta ung habulan.:P) tapos nadapa si Mark dun sa may madaming bubog edi iyak siya no kasi madaming dugo? edi ako naman gow gow gow sa pagresponde sa kanya. stat talaga. ER mode ako. :P nilinis ko ung sugat tapos "niligtas" ko ung buhay niya. :P haha. basta. nakakatawa! taranta talaga kaming lahat nun! simula nun nagkaroon ako ng mindset na gusto kong magligtas ng buhay. pero nung minsang nahiwa ako ng kutsilyo sa kamay, hinimatay ako at dun ko na narealize na takot pala ako sa dugo.

dahil sa phobia ko sa dugo, naisip kong mag-abugado na lang. nako! sobrang suportado ako ng tatay ko dito! kahit ilang taon daw siya magtrabaho sa barko, okay lang basta daw maging abogado ako. e ayaw ng nanay ko kasi magulo daw, delikado etc. at may point din nga naman si mommy kaya hindi nako tumuloy. tsaka ewan ko ba, parang di talaga ako bagay dun.

4th year, UPCAT season. crucial. di ko pa alam kung ano ba talagang gusto kong pagaralan sa college! haha. di na pwede pre-med course, pre-law. kaya tinanong ko ang sarili ko kung ano pa ba ang kaya kong gawin -- magsulat at mag-piano. writer ako nun sa Icazette (pero wala lang to.:P) tapos simula grade 2 hanggang 4th year HS tumutugtog ako ng piano (pero di na ngayon. :P) kaya ang nilagay ko sa application form ko ay journalism. hindi ko sinulat ung music kasi sa UST ko gusto kumuha ng ganun. e kulang pa ako ng 1 course (2 kasi ung nasa form) kaya ang sinulat ko ay speech pathology (kahit di ko alam ang ginagawa dun.:P) haha. nagfill-out din ako ng form sa UST, sinulat ko music at advertising (na-inspire kasi ako sa palabas na Alicia. ung parang betty la fea din. :P ad executive si alicia dun). pero sa di ko na matandaan na dahilan e hindi ako nakapagpasa sa UST. :P haha. sa DLSUD naman ang sinulat ko ay Broadcast Journalism, AB Communication at Marketing and Advertising. ang ending, sa UP-LB ako bumagsak, Devcom daw ang malapit sa Journalism kaya dun nalang daw ako pero ayoko e. :P haha. tapos pinasa ko ung 3 choices ko sa DLSUD. ung panglawa ung kinuha ko kasi mapapagaralan ko ung 2 kong choices sa com (pero ilang units lang).

makalipas ang apat na taon, tinatanong ko ulit ang sarili ko kung ano ang gusto kong maging. dapat nga alam ko na ung sagot dito e! ba naman 4 years nako sa COM edi malamang COM related dapat ung trabaho ko! haha. pero hindi e.:P madaming nangyari sa loob ng apat na taon na nagpabago sa isip ko. hindi ko na masyadong trip ang advertising, ayoko sa PR, di ako bagay maging broadcast journalist at hindi na ako marunong magsulat. nabobo ba ako? idealist? ewan ko ba. at ang siste, gagradweyt nako sa March 2009. tss. san ako pupulutin pagkatapos?

kaya kaninang hapon naisip ko na talaga kung ano ang gameplan ko sa buhay. gusto kong maging fashion writer/editor. kaya lang wala akong alam pagdating sa fashion kaya magaaral ako ng makeup techniques at fashion marketing dito.

uunahin ko ung makeup techniques sa summer. short course lang naman yan e. tsaka fallback ko din to kung sakaling hindi ako makatuloy sa pagaaral ng fashion marketing. (1 year, tri-sem, 65, 000php per sem). pag may alam ko sa makeup techniques pwede akong maging makeup artists sa mga photoshoots, video shoots, contributor sa magazine, newspaper, taga-sulat ng reviews para sa mga beauty products. see? magagamit ko pa din ang pagiging AB COM ko. pag natuloy naman ako sa pagaaral ng fashion marketing, may sideline pa din ako siyempre pero mas malaki ung chance ko na makapasok sa corporate kasi pwede akong maging brand manager o kaya pwede din akong magatayo ng botique tutal mahilig naman ako sa damit! o ha!

habang inaalyze ko to kanina naisip ko na hindi naman pala talaga ako nabobo (ung sinulat ko sa 4th paragraph). at kulang lang siguro ako sa practice sa pagsulat. hay. natakot lang talaga ako. pero nung natukoy ko na kung ano ung lumulumpo sakin naisip ko na wala akong dapat ikatakot. basta alam ko kung anong gusto kong maging, gow! so what kung wala akong trabaho after grad? e ano kung tambay ako? sila ba ung magugutom?! hindi naman a! haha.

may oras para sa lahat ng bagay. abutin man ako ng ilang taon, ilang sidequest man ang mapuntahan ko, gow lang. iisipin ko na lang na parte yan sa pagabot sa pangarap ko. ang corny naman kung after grad fashion editor agad ako diba? :P wala man lang ka-thrill thrill! haha. basta. wala akong dapat ikatakot, alam ko kung ano talaga ang gusto kong maging kaya relax rea, relax. :) basta, practice lagi ng skills, focus. eyes on the prize!

alam kong sa bawat hakbang tungo sa pangarap ko ay suportado Niya ako, ng family, ni pol, at ng tropa ko. yeah!

hi, ako si rea. gusto kong maging fashion editor. ikaw, anong gusto mong maging? :)




PS: Si Mark, ung nirescue ko, ay isa ng nursing student. topnotcher sa buong batch nila. :) yeah!

No comments: