Showing posts with label wishlist. Show all posts
Showing posts with label wishlist. Show all posts

01 January 2009

anong gusto mong maging?

naisip ko na magandang simulan ang 2009 sa paglalahad ng mga plano ko sa buhay. enjoy reading. :P haha. game!

**

nung bata pa ako hanggang 2nd year HS ako gusto kong maging doktor. un din ang gusto ng magulang ko sakin. sa katunayan, binilhan na nila ako ng sandamukal na medical books (4 volumes) nung 5 years old pa lang ako. tapos binilhan din nila ako ng mga laruang injection atbp at inexpose din nila ako sa panunuod ng Sineskwela. :P haha. kaya ang resulta, mataas ang grade ko sa Science at sa lahat ng essays na pinasulat samin nung elementary kamin ang topic ko lagi ay ang pagkahumaling ko sa medicine. ang winning moment ko sa doktor-doktoran ay nung grade 5! haha. naglalaro kasi ung mga classmates ko nun ng 5-10s (basta ung habulan.:P) tapos nadapa si Mark dun sa may madaming bubog edi iyak siya no kasi madaming dugo? edi ako naman gow gow gow sa pagresponde sa kanya. stat talaga. ER mode ako. :P nilinis ko ung sugat tapos "niligtas" ko ung buhay niya. :P haha. basta. nakakatawa! taranta talaga kaming lahat nun! simula nun nagkaroon ako ng mindset na gusto kong magligtas ng buhay. pero nung minsang nahiwa ako ng kutsilyo sa kamay, hinimatay ako at dun ko na narealize na takot pala ako sa dugo.

dahil sa phobia ko sa dugo, naisip kong mag-abugado na lang. nako! sobrang suportado ako ng tatay ko dito! kahit ilang taon daw siya magtrabaho sa barko, okay lang basta daw maging abogado ako. e ayaw ng nanay ko kasi magulo daw, delikado etc. at may point din nga naman si mommy kaya hindi nako tumuloy. tsaka ewan ko ba, parang di talaga ako bagay dun.

4th year, UPCAT season. crucial. di ko pa alam kung ano ba talagang gusto kong pagaralan sa college! haha. di na pwede pre-med course, pre-law. kaya tinanong ko ang sarili ko kung ano pa ba ang kaya kong gawin -- magsulat at mag-piano. writer ako nun sa Icazette (pero wala lang to.:P) tapos simula grade 2 hanggang 4th year HS tumutugtog ako ng piano (pero di na ngayon. :P) kaya ang nilagay ko sa application form ko ay journalism. hindi ko sinulat ung music kasi sa UST ko gusto kumuha ng ganun. e kulang pa ako ng 1 course (2 kasi ung nasa form) kaya ang sinulat ko ay speech pathology (kahit di ko alam ang ginagawa dun.:P) haha. nagfill-out din ako ng form sa UST, sinulat ko music at advertising (na-inspire kasi ako sa palabas na Alicia. ung parang betty la fea din. :P ad executive si alicia dun). pero sa di ko na matandaan na dahilan e hindi ako nakapagpasa sa UST. :P haha. sa DLSUD naman ang sinulat ko ay Broadcast Journalism, AB Communication at Marketing and Advertising. ang ending, sa UP-LB ako bumagsak, Devcom daw ang malapit sa Journalism kaya dun nalang daw ako pero ayoko e. :P haha. tapos pinasa ko ung 3 choices ko sa DLSUD. ung panglawa ung kinuha ko kasi mapapagaralan ko ung 2 kong choices sa com (pero ilang units lang).

makalipas ang apat na taon, tinatanong ko ulit ang sarili ko kung ano ang gusto kong maging. dapat nga alam ko na ung sagot dito e! ba naman 4 years nako sa COM edi malamang COM related dapat ung trabaho ko! haha. pero hindi e.:P madaming nangyari sa loob ng apat na taon na nagpabago sa isip ko. hindi ko na masyadong trip ang advertising, ayoko sa PR, di ako bagay maging broadcast journalist at hindi na ako marunong magsulat. nabobo ba ako? idealist? ewan ko ba. at ang siste, gagradweyt nako sa March 2009. tss. san ako pupulutin pagkatapos?

kaya kaninang hapon naisip ko na talaga kung ano ang gameplan ko sa buhay. gusto kong maging fashion writer/editor. kaya lang wala akong alam pagdating sa fashion kaya magaaral ako ng makeup techniques at fashion marketing dito.

uunahin ko ung makeup techniques sa summer. short course lang naman yan e. tsaka fallback ko din to kung sakaling hindi ako makatuloy sa pagaaral ng fashion marketing. (1 year, tri-sem, 65, 000php per sem). pag may alam ko sa makeup techniques pwede akong maging makeup artists sa mga photoshoots, video shoots, contributor sa magazine, newspaper, taga-sulat ng reviews para sa mga beauty products. see? magagamit ko pa din ang pagiging AB COM ko. pag natuloy naman ako sa pagaaral ng fashion marketing, may sideline pa din ako siyempre pero mas malaki ung chance ko na makapasok sa corporate kasi pwede akong maging brand manager o kaya pwede din akong magatayo ng botique tutal mahilig naman ako sa damit! o ha!

habang inaalyze ko to kanina naisip ko na hindi naman pala talaga ako nabobo (ung sinulat ko sa 4th paragraph). at kulang lang siguro ako sa practice sa pagsulat. hay. natakot lang talaga ako. pero nung natukoy ko na kung ano ung lumulumpo sakin naisip ko na wala akong dapat ikatakot. basta alam ko kung anong gusto kong maging, gow! so what kung wala akong trabaho after grad? e ano kung tambay ako? sila ba ung magugutom?! hindi naman a! haha.

may oras para sa lahat ng bagay. abutin man ako ng ilang taon, ilang sidequest man ang mapuntahan ko, gow lang. iisipin ko na lang na parte yan sa pagabot sa pangarap ko. ang corny naman kung after grad fashion editor agad ako diba? :P wala man lang ka-thrill thrill! haha. basta. wala akong dapat ikatakot, alam ko kung ano talaga ang gusto kong maging kaya relax rea, relax. :) basta, practice lagi ng skills, focus. eyes on the prize!

alam kong sa bawat hakbang tungo sa pangarap ko ay suportado Niya ako, ng family, ni pol, at ng tropa ko. yeah!

hi, ako si rea. gusto kong maging fashion editor. ikaw, anong gusto mong maging? :)




PS: Si Mark, ung nirescue ko, ay isa ng nursing student. topnotcher sa buong batch nila. :) yeah!

26 December 2008

Tagaytay date


post-Christmas date namin ni pol sa picnic grove, tagaytay. :) siya ang sumagot ng sapin, mangga, bagoong (favorite ko ung bagoong nila!) at chicken sandwich tapos bumili na lang kami ng grilled squid sa inihaw center. ang saya! nag-picnic lang talaga kami dun. :) di kami nagrent ng table or cottage. dun lang kami sa damuhan nag-bonding.




medyo natakot ako nung naiwan akong mag-isa dun sa pwesto namin (bumili kasi ng squid si pol). may lumapit na 3 lalake. basta paikot-ikot lang sila dun sa pwesto ko. pero tuloy pa din ako sa pagtatalop ng mangga. deadma mode. hanggang sa kinausap nako nung isang lalake. alam ko kung san papunta ung usapan na un kaya di na lang ako sumagot. buti na lang at may dumating na isa pang lalake tapos binulungan (pero nadinig ko) ung lumapit samin ng, "wag yan pare. nakita ko boyfriend niyan. ang laki!" haha. un e! :P

nga pala, bongga na ngayon ang picnic grove. may cable car at zipline na! wooh! try namin next time. :)

nung dumilim na at naging sobrang lamig na e umalis na kami sa pwesto tapos tambay saglit sa parking lot. nagpapalipas ng traffic.

dinner sa shakeys. lumipat na pala sila? dati kasi sa rotonda ng tagaytay sila nakapwesto, ngayon nasa Robinson's Supermarket na sila. bigtime! ganda ng pagkakagawa dun. naalala ko sakanya ung bugis.:P haha. waiting din pagdating dun kasi walang pwesto kaya nag-arcade kami.


grabe! naadik ako sa mga to! sobrang simple lang niyang laruin at sobrang pambata! :P sisiw lang pero nakakafrustrate. :P

okay. balik sa shakey's dinner. wala. nakakairita lang dahil ang slow nung nagserve namin. hay. pero kalmado lang kami ni pol dahil panira ng good vibes pag nag-attitude kami.:P haha.

sobrang lamig sa tagaytay! pano ba kaya sa baguio no? :P

10pm nasa bahay na ako. :) yeh!

happy day! salamat pol. iloveyou. :)

07 December 2008

merry me

dahil sa madami ng gumagawa ng kani-kanilang wishlist e gagaya na rin ako.:P haha.

nalalapit na ang Pasko at ako po ay kumakatok sa inyong mga puso na sana po ay mabigyan niyo po ako ng kahit 1 (or lahat) item sa wishlist ko.:P haha. http://emo.huhiho.com


pero kung hindi kaya e love, peace at good life na lang. =)


My Christmas Wishlist


1. DSLR. bago sana ako gumraduate e gusto kong gumawa ng matinong portfolio ng pictures para naman pag nag-apply ako e may mga sample works ako. :P haha. kahit may digicam ako, parang di na din enough. :P dati talaga sabi ko luho lang to pero after taking 2 photography subjects na-realize ko na mas maganda pala pag ganito ung gamit kesa sa point and shoot lang. =) at tama nga si pol sa sinabi niya sa blog niya na minsan sa camera talaga nakasalalay ung quality ng pictures. =)

2. Books/Magazines. i want a complete set of Harry Potter (including the latest book of JK. Harry Potter: The tales of the beedle bard), Twilight and/or Lord of the Rings. haha. paperback lang.:P pwede ding hindi series like The Historian (nakalimutan ko kung sino author pero 2nd year college palang gusto ko ng bilhin.:P) at kung anu-ano pa. sa magazines naman, back issues ng kahit anong travel or fashion mag. =)

3. Graphic/Statement Tees,Footwear. nagkakaroon na ako ng scarcity sa damit at sapatos.:P haha. huli kong bili e nung july pa! cmon! bet ko ung gladiator sandals, pumps, sneakers (okay ung sa skechers) at boots (flat, high cut). =) sayang nga ung binebenta ni lizette na boots sa ebay. ang ganda kaso di ko siya ka-size. tsk tsk. :(

4. Make-up. haha. hindi para sakin kasi hindi naman ako pala-makeup na tao.:P para to sa balak kong pag-aaral sa School of Fashion and the Arts. (may detailed post ako tungkol dito. abangan.:P)

5. Accessories for my mac. keyboard pad, crystal case (red, yellow or green. parang stoplight.:P), mouse, software! (final cut please.:P) at external harddrive.:P haha.



http://emo.huhiho.com

**

sa ibang balita naman, nanalo ang ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao sa laban nila ni Oscar de la Hoya. yeh! bago pa lang magsimula ung telecast ng GMA 7 e ang dami ko ng narereceive na spoilers! haha. badtrip pag ganun.:P kaya di muna ako nag-internet.:P pero sa text naman bumawi kaya wala din. bago pa magsimula ung telecast e alam ko na.:P hay. congrats manny! =) talagang bugbog si golden boy sayo. at binalita din sa showbiz central na pumanaw na si marky cielo. tsk tsk. nakakabigla. talagang napaka-unpredictable ng buhay. pero sabi nga ni ate mhye,kahit gawin mo na lahat ng gusto mo, magmadali ka man o hindi pag oras mo na, oras mo na talga.. hay. RIP.

**

meeting nga pala ng JJC kanina pero hindi ako umattend. bisperas kasi ng pyesta samin e sinara na ung ibang kalsada dito kaya baka mahirapan lang ako umuwi pag pumunta pa ako. hay. kelan kaya kami magkakaroon ng activity? ung tipong outreach? hmm. gusto ko kasi talaga maging active! =)

**

pyesta dito bukas. maghahanda ata kami pero konti lang. :P

gnyt! =)