02 January 2009

siyete



7 months na kami ni pol ngayon. :)

nag-date kami sa MOA. nanood kami ng Dayo. inasahan ko na madaming manonood kasi holiday pa din e pero nagkamali ako! haha. pagpasok namin sa cinema 1 ay mabibilang mo sa kamay kung ilan lang ung tao sa loob. :P haha. which reminds me of the festival mall cinema horror story pero wala lang un. tinatakot ko lang sarili ko. :P

nagandahan ako sa Dayo. :) hanggang ngayon di pa din ako makaget-over sa eksena nila vicky at nung tatay ni ana. laughtrip talaga! ang cool din ni narsi. :P rakenrol! haha. na-disturb lang ako ng konti kasi madaming ad placements sa movie pero naintindihan ko naman kasi natutunan ko sa film appreciation at media production subjects ko na mahal talaga gumawa ng animation. so kailangan talagang maghanap ng sponsors para matustusan ung pre hanggang post-prod ng pelikula. tsaka mejo naguluhan ako sa moral lesson na pinakita sa movie. may point naman kasi ung kalaban (malalaman niyo din pag pinanood niyo) tapos inatake pa din nung bida. e samantalang may kasalanan naman talaga ung bida. hmmm. pero sa kabuuan, nag-enjoy ako sa Dayo. :)

pagkatapos manood, naghanap kami ng makakainan. tagal din naming nagikot! haha. choosy kasi kami e.:P nakapanood na kami ng fireworks, nakapunta sa books for less pero wala pa din kaming napili. hanggang sa nawalan na kami ng pag-asa at pumasok na lang kami sa world of chicken. mababa lang expectations ko dito. kala ko parang chicken company na puro fried lang but i was wrong! panalo pala ang pagkain nila dun! naging holen sa laki ung mata ko nung matikman ko ung inorder namin! haha. parang ung nangyayari sa anime. :P ganung ganun! :P haha. parang pang-commercial nga ako kumain e, nilalasap bawat kagat. :P haha. basta. isa na siya sa mga favorite kainan ko/namin. :)




tapos bumili ako ng jurassic park at lost world na libro sa book sale. parang mas at home ako sa booksale kesa sa books for less?

10pm na kami nakauwi sa bahay. nagpusoy dos muna kami (adik na din ako e. :P) tapos tinuruan ako ni pol mag-poker bago siya umuwi. :) haha.

happy 7months pol! iloveyou. :)

share ko lang ang makapagbagbag damdaming theme song namin ni pol. seryoso. :P



Note: pictures from Paul Putong

No comments: