09 January 2009

rollercoaster

Thursday

advertising management prelim exam result: 1.5.

pucha. depresyon! pero expected ko na din. alam ko namang puro mali ung sagot ko dun sa last part ng exam. hay. pero kaya yan! may prelim at finals pa. sana makabawi kami sa ad campaign. :) sabi pa naman ni sir BAKA daw samsung LCD TV or 20, 000 pesos ang premyo sa best campaign. o ha!

quick lunch after class. then went to the library to study. Ethics kasi e. :P bingo na ata kami kay RS kaya halos magpaka-abogado na kami sa pag-aaral ng Revised Penal Code at ibat-iba pang republic act, presidential decree at batas pambansa. si van nga daw e christmas pa lang nagaaral na.:P yeh!

nung nasa klase na, nagkaroon ng countdown. 110pm kasi wala pa si sir. e may school policy na wala ng klase pag 45 mins (for 1 1/2hr class) ng late ang prof. so ayun. feeling ko lahat may gusto na sana nga un na ung mangyari at natupad nga! wala si sir. masaya kasi naalis ung kaba pero malungkot din kasi we're behind sched na naman at lalo pang tumagal ung pressure. hmm.

dahil sa wala ng klase, nagmeeting muna kaming mga malulupit na tinig para sa radio drama namin. cool ng story ni drew! haha. gay love! cmon! haha. kay DREW pa nanggaling a. :P tapos tawa ako ng tawa sa theme song ng program namin.:P pag inexcute na namin ung drama, paparining ko sa inyo. :P

tumambay din kami saglit si kubo. daming alam na games ni pao! ung mga "bibili ako sa landmark ng.." logic games pero ung iba joketime lang.:P masaya din. :)

uwi sa bahay para kumuha ng gamit (overnight ako kina pol) tapos punta sa SM para kumain sa wendys. :) maaga din kaming umalis dun dahil ayokong magdrive nang gabi lalo na pag umuulan. kaya lang wala din. dahil traffic sa gen.tri. nakapanood na nga kami ng slumdog millionnaire sa laptop ko dahil sa sobrang traffic! kung di lang siguro nalobat un malamang natapos ung movie sa sobrang traffic! haha.

pagdating kina pol nagpoker muna kami. :P tinuruan niya ako maglaro at dahil dun naubos pera niya. :P haha. nagjojoke din ako ng mga pangalan ng cards. napansin ko kasi na may mga pangalan ung pair, tulad ng 84 - Orwell (author si George Orwell ng 1984), 2K (millennium). ung sakin pag 56 - Bumbay tapos pag 18 -Debut. haha. corny pero may point diba!

at finally thesis mode. wooh! gow!

Friday

di ko alam kung anong oras umalis si pol pero paggising ko wala na siya (drama e.:P). pumunta kasi siya ng dad niya sa LTO para magparenew ng license tapos naiwan ako sakanila kasi gumagawa ng thesis. nag-bonding kami ng mom niya over lunch. ang saya! nag-share siya ng experience niya nung pinagbubuntis niya si pol.:P haha.

230 ata nakabalik na sina pol sa bahay.

3pm umalis na kami papuntang SM dasma para manood ng bedtime stories (hindi ung X rated a! ung Disney! :P). okay naman ung movie. average lang at siyempre pambata talaga. :)

8pm nasa bahay na ako. :)

**

grabe ung prusisyon ng black nazarene no? almost 12 hours! tapos 3 million ang nandun. wow.


No comments: