magpopost na muna ako ng entry bago ako tuluyang lamunin ng mga academic requirements. bale, sa tuesday na ako makakabalik sa aming munting tahanan. maglalagalag na naman ako sa kalsada sa mga susunod na araw. seryoso. di ko alam kung san ako pupulutin. :P grabe ang pressure pag graduating na! cmon! haha.
monday at tuesday di ko na matandaan ung nangyari pero parang thesis mode kami nun. lumabas na kasi ung resulta at AA ang grade namin at meron na lang kaming dalawang linggo para magrevise ng thesis! woooh! heavygats! parang kasagsagan yun ng mga edting days a. pero kaya yan. makakapagpasa pa din kami ni pol on time!
wednesday, bigla kaming napapunta sa ateneo para i-cover ung event ng yabang pinoy. unfortuantely di namin naabutan ung event kasi mga 6pm na kami nakarating dun. noong mga panahon na nawawalan na kami ng pag-asa ay biglang napadaan ang isang lalakeng naka-Yabang Pinoy shirt at sa di malaman na kadahilanan e hinabol na lang namin siya kahit wala kaming idea kung trip lang ba talaga magsuot ng ganung shirt or kung member ba talaga siya ng yabang pinoy, pero sobrang swerte namin kasi ung lalake palang yun ang ORGANIZER nung event na hindi namin napuntahan. haha! yeh! swerte talaga. :)
thursday, QC again para naman sa medicol winners' true videos awarding sa Tomas Morato. finalist kasi si pol sa medicol video contest. eto ung entry niya: click me.
hindi din namin naabutan ung event pero swerte pa din kasi may food pa! haha. at sobrang sarap ng food! grabe! buti na lang libre un kasi mukang mamahalin dun e. :P haha. naglibot-libot kami dun ng konti para naman di masayang ung pagpunta namin. :)
nga pala, habang papunta sa QC, napanood namin sa bus ung nangyari sa trece. grabe. sobrang naiyak ako dun sa pinakita nilang batang biktima. tagos talaga sakin ung sinabi nung bata na, "kunin niyo na ako wag lang ung mama ko." naluha at nanlambot talaga ako nun e. tapos nagalit ako sa sinabi ng doktor na, "kapag nagsuka pa siya isi-CT scan na namin siya." pucha. bakit kailangang hayaan pang sumuka ulit?? pwede namang i-CT scan agad diba? grabe. ano bang klaseng ospital, doktor at nurse meron tayo dito sa pilipinas! sobrang bulok. naalala ko tuloy ung kwento ni RS sa kapatid niya na namatay din dahil sa kabobohan ng mga doktor. grabe. kung magdodoktor ka siguraduhin mo naman na hindi ka lang magpapataba ng bulsa! gawin mo naman trabaho mo! grabe. basta. naramdaman ko talaga ung sentimyento ni RS dahil sa batang un. haaay.
moving on, may problema pa kami ni pol. kami kasi ung student organizers ng filmmaking seminar ni peque gallaga. bigtime kung sa bigtime kaso feb19 siya gagawin. yun ang last day ng pagiging buhay estudyante namin. seryoso. bilang graduating student, siyempre mas gusto ko naman na maranasan ung last day na un. hindi ko un ipagpapalit. kaso si peque... hay. pero magagawan ng paraan yan. :)
**
hay. requirements. ayoko na masyadong magreklamo sa mga binibigay samin kasi alam ko namang mamimiss ko din to pagka graduate. hay. enjoy enjoy na lang. :)
see ya!
see ya!

No comments:
Post a Comment