anyway, MADAMING nangyari. as in. pwede kong i-detalye LAHAT yun dito pero aabutin ako ng mga 20 entries or more pag ginawa ko yun tsaka boring yun basahin kaya wag na. :P haha. rundown na lang. :)
Devcom
para sa devcom, nagshoot kami ng MTV at Documentary tungkol sa MDG No. 8 which is Global Partnership for development. dahil sa shoot na 'to nagkaroon kami ng chance (at nagwaldas) na tumuloy sa University Hotel. Sa UP-Diliman kasi ung location ng docu namin. okay yung shoot kaso naging kawawa kami! imagine, 50php na lang ang pera ko nun. pagkakasiyahin ko sa food at fare (QC back to Dasma!) grabe. sobrang namulubi talaga ako nung araw na yun. vivid pa din yung may dumaan na naglalako ng pandesal tapos wala akong nagawa kundi sundan nalang ng tingin dahil wala akong pambili! haha!
nagkaroon din kami ng exposure trip sa College of Development Communication sa UP-LB, Museum of Natural History at IRRI. ayos! nag-enjoy ako! :) parang ngang gusto kong kumuha ng Devcom e (graduate studies).:P haha. sobrang na-engganyo talaga ako pero pag-iisipan ko pa din. :)
na-exempt ako sa final exam pero di ako masaya sa naging performance ko dito. hay.:( parang di ko nabigay lahat ng laman ng utak ko. basta. yun na yun. :P

Adman
nung Lasallian Festival, ni-require kami ni Sir Perlas na magtayo ng booth at magtinda ng mga sikat na produkto ng Cavite. yung napili naming town ay Indang so ang tinda namin ay kalamay. nagtinda din kami ng banana cue at buko juice. at siyempre dahil sa advertising yun, dapat may creative treatment kaya naging Tatay's Kalamay, Saba ni Anna at Buko-Jill (may inside joke yang mga yan. :P) pumatok naman! kumita kami. :)
sa tingin ko, adman ang pinakamalupet na subject ngayong sem! akala ko talaga hindi ako gagraduate ngayong March dahil sa mga mediocre grades na nakukuha ko sa mga quizzes pero mabait Siya dahil na-exempt pa ako sa final exam.:P haha. hindi ganun ka-taas yung grade pero at least nasa safe zone na ako. :)
Broadjourn

Natapos ang subject na to pero wala akong natutunan. Napaka-galing kasi ng prof namin e. Grabe. sobrang nakakagana makinig sakanya!!!! hay. basta. wala siyang kwenta. kung babagsak ako sa subject na to okay lang basta ba hindi siya yung prof pag ni-retake ko to. hay. at dahil sa wala siyang mapagawa saming matino, pinapagawa niya kami ng news program na walang ding sense. as in. ano ba yung irerecord mo yung TV Patrol tapos ittranscribe at irerevoice?! gawain ng tamad yun e. mas matatanggap ko pa kung pinakuha niya kami ng mga videos nung Lasallian Festival tapos yun yung ibabalita namin sa news program kaso hindi e. tanga talaga siya.
Ethics
im going to miss RS. isa siya sa mga ilang kong matitinong professors sa buong college life ko. i learned so much from him. :) hindi ko talaga makakalimutan na binasa ko ang Book 2 ng Civil Code at RPC para lang sa recitation (na hindi naman ako natawag.:P) at kung paano niya bigkasin ang 'shit'. :P haha. yeh!

Lasallian Star

o ye! attempt ng DLSU-D na makapasok sa Guiness Book of World Records. :)
nag-enjoy talaga ako dito. :) nabuhay yung lasallian spirit sa buong katawan ko nung binubuo namin yung star. :) amazing!
Thesis
ayun. thesis pa din siya. :P haha.
Fashion Expo
Gender Equality and Women Empowerment ang theme ngayong taon kaya so gay ang event. :) kumakabog ang mga contestants habang rumarampa sa stage suot ang kanilang mga bonggang bonggang costume (bading na bading ako sa statement na to a. :P). haha. last prod ko na din to bilang CPC officer at siguro bilang estudyante na din (emo!!!).
salamat kina dha ganda at velai sa paghohost ng fashion expo. at congrats sa mga nanalo. :)
Paul
8 months na kami. :) haha! ambilis! di ko talaga namamalayan ang oras.:P 8th Shakeys-ary na din namin.:P haha.
Nung 14, nag-celebrate kami ng Valentines Day sa Science Discovery sa MOA. first time kong makapunta dun at nag-enjoy ako lalo na sa Grossology! haha. nag-world of chicken din kami at nanood ng fireworks (sa lovapalooza). :) ang saya saya pa din kahit nag-away kami nung araw na yun.
at ang pinaka-winner sa lahat ng ginawa ni pol ngayong buwan ay ang:
weeeeeeeeeee!!!! gusto ko ng magpalamon sa semento sa sobrang hiya at kilig. :P haha. iloveyou!
Rea
200501414. after four years. :) wee! ga-graduate na ako sa March 23. :) bitter pa ako bago ko to kuhanin dahil sa thesis pero nung nakita ko na nag-evaporate ang init ng ulo ko.:P yeh!
talaga ngang no pain, no gain. :)
**
kung naging busy ako sa acads ngayong Feb, magiging busy din ako ngayong March sa mga gimik. :P haha. whereabouts for march:
March 7 Eraserheads Concert
Girl Bonding with Mic, Au and Jhe (di pa sure kung kelan)
Batch Outing (di pa din sure)
JJC Induction March 27
Boracay Trip with the family on March 29-31
looking forward din ako sa Baguio Trip namin ni Paul, JJC Natcon (Dakak). :)
o ye! AND!!!! latest addiction ko ang Viva Italia Pizza 10" Roma or Milano at Propel Gala Apple.
back to normal posting na din ako. :)
** Nga pala sa sobrang tagal kong hindi nakapag-blog nakalimutan ko na ung password ko dito. talagang nag-isip pa ako ng matindi kung ano na ba yung ginagamit ko sa blogger. hahaha.
Photos: from me, Paul, DLSU-D portal

No comments:
Post a Comment