04 March 2009

eksklusibo


Dark Side

dapat talaga nung monday pa to kaso one hour before air time biglang nagtext si propesor at sinabing cancelled na. o diba? bongga! sana man lang nagtext nung madaling araw na hindi tuloy kasi may kanya-kanya din kaming lakad. pero sabi EMERGENCY daw so may magagawa pa ba kami?

kinabukasan, 30mins before air time bigla namang nag-brownout sa buong campus. edi siyempre pano kami magpo-prod kung walang kuryente edi may usap-usapan na baka cancelled na naman pero awa Niya at nagkaroon ulit ng kuryente kaso etong si propesor nag-litanya pa ng mga reklamo niya kung bakit daw mukhang hindi kami handa sa gagawin naming prod, bakit daw ganong oras lang magseset-up, bakit daw hindi nakapag-practice sa prod room. e di sabi namin na hindi pwedeng pumasok sa prod room kapag walang prof na kasama. aba sabi ba naman samin, "edi sana ng provide kayo!" ng alin? ng propesor? tsaka hindi kami engineering para gumawa ng mga switcher, ilaw at kung anu-ano. ang pinagaaralan namin sa COM ay kung pano gawan ng art yung mga ilaw na yun. nakukuha kaya niya? tsaka may sinabi pa siya na kesyo pag nasa prod room daw ang masusunod ay yung mga technician at hindi siya. hmm. sa 4 na taong kong gumagamit ng lab, ang alam ko assistant lang talaga ang mga technician. unless hindi marunong ang propesor na magbutingting ng mga gamit sa loob ng prod room. hay. tsaka bakit siya magrereklamo na parang 'wala kaming natutunan' sa klase niya gayung wala naman siyang tinurong matino samin. nasa prod room nga kami pero nandun kami, nakasalampak sa sahig para mag-transcribe, mag-translate at mag-imagine na nasa totoong press conference kami. kung ginamit sana ni propesor ang oras namin sa prod room para mag-explore sa mga gamit dun edi sana okaya agad yung prod. parang mali nga yung final requirement e. sana pinagawa na lang niya kami ng newspaper tutal lagi lang naman kaming nagsusulat.

Good Side

nagawa nang tama ng LS Balita team ang prod! yey! daming mga laughtrip moments tulad ng 'krodo', 'singgoy','marcos highwayway' at marami pang iba. congrats sating lahat! :) 90 tayo! yeh!



Lessons

1. huwag ng pagtiyagaan ang mga walang kwentang propesor. kung makakalipat lang din naman sa ibang klase, lumipat na.
2. respeto sa oras. kapag na-delay ang isa, delayed na lahat.
3. walang tamang pangangatwiran sa tangang propesor.
4. umiwas sa mga manyak.
5. matutong magself-study. huwag umasa sa mga maling tinuturo.
6. kung ayaw ng gawang paa, huwag din turong paa.



bato-bato sa langit, ang tamaan buti nga sayo. nawa'y tamaan ka pa nang bonggang bongga.



PS: picture courtesy of Paul

No comments: