02 March 2009

balakid

pasado na ako sa Ethics, ICT at Adman. ang hinihintay ko na lang na grade ay yung sa Devcom, Comres at Broadjourn. Speaking of Broadjou, badtrip talaga yung prof namin dun. saksakan ng tanga. sobra. dapat kasi ngayon yung news program na pinapagawa niya kaya lang bigla niyang pina-cancel dahil may meeting daw siya kaya bukas na lang daw. nagtext siya 12 na. 1 hour before the program. sana man lang nagpasabi ng mas maaga para naman di sayang yung effort pumunta sa school. hay. tapos alam kaya niya na ngayon yung submission ng grades? hay. nuknukan ng walang kwenta. grabe. sa dalawang sem na naging prof ko siya, wala akong natutunan. dami palang superlatives sa paragraph na to. :P haha. e kasi naman! sobrang balakid siya sa mga plano namin ngayong linggo! kung natuloy na kanina yung news program edi sana naka-move on na kami sa mga sari-sarili naming lakad. diba. hay. sana talaga sa effort na gagawin namin e hindi lang siya basta basta manghuhula ng grade.

**

9th monthsary namin ngayon ni pol. :) 9 months of energy and happiness. :) cmon! dapat may date kami bukas kaya lang cancelled dahil sa news program. hay. excited pa naman ako mag-Manila Zoo! yey. :) kaya pre-celebration namin ang Shakeys. :P

happy monthsary! iloveyou! :) Baguio na tayo! haha!

**

2 weeks na lang pala kami sa school tapos graduation na. waaah! 2 weeks na lang...saka na ako magdadrama pag nakapasa na talaga ako sa lahat ng subjects. :P haha. kasi diba baka magdrama ako, biglang bagsak pala ako sa 1 subject, sayang naman. :P

**

LS Balita group, let's break a leg! :)


No comments: