18 March 2009

on lamberto avellana

hindi na Gawad Tala kundi Lamberto Avellana Student Video Awards na. kaya ba iniba na yung pangalan ng awards night ay dahil iba na din ung tawag sa Media Production subject? hmm. wala lang. :P anyway, kaya kami nandun kasi magppresent na award sina pol at nebs. sila kasi ung nanalong best director last year in their award-winning film, Derby. yeah! :) saglit lang ung program. kasi mga 4 na kami nakarating dun, hintay lang saglit ng turn nila pol. nung inannounce ung best short film, okay na. :P may araw pa nga nung natapos e! samin, diretso party sa dahab! woooh! :P

di ko masyadong trip ung ibang winners. napanood ko kasi ung mga gawa nila at nakita ko naman kung alin dun yung may potensyal na manalo. sa tingin ko, Diday dapat ang best short film. iba kasi ung atake niya. hindi pa-cute, hindi kababawan. sinasalamin niya kung ano talaga yung nangyayari sa society. kung kukumpara mo yung Diday sa Dreaming in Metaphors, wala e.. kaya nagtataka talaga ako kung bakit walang nakuhang award ung Diday.. too much violence? escapist ba masyado yung judge at gusto niya yung mga feel good movies? ewan ko. kaya siguro ganito yung pamantayan ko sa 'kagandahan' kasi nasanay ako dati kay Sir Elvin na puro may social relevance yung pinapapanood niya.. hay. oh well. wala na e. :P

sa mga nanalo, challenge yan sa inyo to do better. wag kayong petiks jan na feeling niyo sobrang galing niyo dahil lang sa nanalo kayo. patunayan niyo na mas may igagaling pa kayo. sa mga hindi naman pinalad, wag kayong malugmok jan at mag-emo na parang katapusan na ng mundo.:P doblehin pa ang pagsisikap sa susunod. yeah! hamunin niyo lagi yung sarili niyo para mas maganda yung output. :)



pol and nebs. smoke effect.


best director, Dianne Faye. :)

best cinematography. aiko.

livewire

banda nila barney

**

Side stories:

* na-late ako sa graduation practice. dulo na yung naumpisahan ko. :P haha.
* sumama ako kina nebs, pol, drew at sunday mamili ng damit nila para sa grad. nalaman ko na maarte pala si drew sa pagpili ng damit. :P
*nanlibre si nebs ng ice cream! wooh!
*nanuod kami ng Sundo! haha! scary! (duwag kasi ako e. :P)
*kahit wala na kaming pera ni pol ay pinilit pa din naming kumain sa Bacolod Chicken House. :p haha.

No comments: