nanood kami kahapon ng mga short films ng 3rd year. notable ung despedida at diday! ung despedida, gay love. nung pinalabas nga yun, hiyawan nang hiyawan ung mga tao kasi sobra talaga. chorba kung chorba. :P haha. ung bida pa dun hawig ni ely buendia kaya nadi-disturb talaga ako. :P haha. yung diday naman, the best. nagawang i-direk ni liby si Dr. Pil Garcia! at challenging ang role ni sir a. drug pusher.:P o ha! tapos ang galing nung bata na gumanap na Diday! iyak kung iyak. :P kaya lang dapat may psychologist silang kasama nung nagshshoot kasi ung ibang eksena dun parang nakakatrauma sa mga bata. hay. pero congrats libay! hindi man manalo ung short film mo, winner ka sakin. ang ganda. :)
kina pol ako natulog kagabi para tapusin ung mga kulang sa thesis (abstract, acknowledgement etc.)
kanina naman, nagmadali kami ni pol na pumunta sa school kasi may alumni orientation ng 9am. nakarating kami sa school ng 10. kala ko tapos pero nung pagakyat namin, Lupang Hinirang pa lang. :P haha. tapos edi un na no, mga 30mins pa lang e tapos na agad! mas matagal ung byahe namin papunta kesa dun sa seminar! hay. dami nga din di nakaabot dun e. :P
**
sa apat na taon ko sa la salle, kanina ko lang nakausap si ritz. com din siya pero never kaming nagkaroon ng chance na magkausap. kahit hi-hello lang. di ko alam kung bakit. hanggang sa kanina sa waam, bigla na lang kami nakapag-usap. simpleng starter lang na, "magkano ung babayaran niyo sa editing?". kala ko nung umalis kami ni pol sa waam tapos na ung conversation naming 3. di pa pala kasi nakasabay din namin siya sa LLD. nung si ritz na ung kumakausap sa secretary ng lld nagkaroon ng konting sigalot. nagtanong kasi siya sa secretary kung bakit kasama pa sa editing ung transcription e sabi naman sa CAD hindi na, tapos biglang sumingit ung isang prof dun na nagalit sa "kabastusan" ni ritz. labo. edi bumamba kaming 3 sa CAD. dinamayan namin siya magreklamo. kinausap niya si APR. kala ko pagtatanggol na ni APR si ritz kasi pumunta sila ng LLD e kaya lang wala ding nangyari. sabi pa ni APR,"e ikaw naman pala tong may kasalanan e." hay. kinausap din ni ritz ung chair ng lld kaso wala talaga. talo. grabe no. minsan ko lang makausap si ritz sa ganung sitwasyon pa. :P tsk tsk.
**
nanlibre si pol sa shakeys. birthday blowout niya.:P haha. natuloy na din ung bonding namin nila mel at marianne! its been a while. :P wala pa ding nagbago, adik pa din kaming lahat. :P haha. kelan kaya mauulit to? :)
**
nagpa-straight na ng buhok si mon! haha! girl na girl na!

No comments:
Post a Comment