Showing posts with label sad. Show all posts
Showing posts with label sad. Show all posts

17 January 2010

Let's make things right

hello! :)

I've been on work mode since January 4 and I'm looking forward to Christmas vacation already (or to the nearest long holiday)! :P Haha!

There are big changes in the office organization starting next month. And as early as now, I can sense the tension and pressure building up in the office. Pero kiber lang! Bring it on! I hope this new company strategy will benefit everyone - from utility up to the president. Fingers crossed. :)

**

The past week has been a rough road between me and Paul. We've dealt with (and still dealing, I guess) a new kind of nemesis. Stronger and bigger. Something we never  expected nor thought of. But we're okay now. We're happy. :) I know you don't like/understand me but I hope someday you would.

**
I'm out of Nivel Cinco class. :( Reason? Excessive absences. :( Alam ko naman  simula pa noong magsimula ako magtrabaho na darating ako sa ganitong sitwasyon. In denial lang ako kaya tumuloy pa din ako pero wala din pala. Grabe. Nakakalungkot. Ito ang nagpapasaya sakin pagkatapos ng trabaho tapos ngayon wala na. I still can't believe that I made that decision. Hay. But  I can still enroll for Saturday classes right? So I should be happy na din. PERO HINDI TALAGA! I'm going to miss my classmates. :( Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila nang maayos.  Hay. My TTH will never be the same again. ¡Hasta luego chicos! :(

Later. 


26 October 2009

Winter Blues

kahit walang winter sa Pilipinas.

**
Most Unproductive Day of the Year is Monday October 26

Researchers said that depressed workers will struggle to come to terms with the winter setting in and that productivity will drop by 50 per cent this week.

more.

i totally agree with this. swak na swak e! sobrang unproductive ko talaga kahapon sa office. may ginagawa ako pero gumagala ang diwa ko sa kung saanman. madami akong dapat paghandaan (certification exam next week, sales leads etc) kaso wala. di ko mapilit yung sarili ko na i-absorb lahat ng mg yun. at lalo pang lumala ang pagiging unproductive ko nung hapon. may natanggap lang kasi akong balita na sobrang nakakawala ng motivation sa trabaho. :( haaay. sana di ako dumating sa point na mararamdaman ko ang 'corporate slavery shit'. haha. basta, iisipin ko na lang na dumadaan ako ngayon sa 'winter blues.' whew.


akala ko magiging okay ako pag nagpunta ako ng Instituto para sa group study namin nila Adrian at Honey Leigh, hindi pa din pala. nalaman ko kasi na hihinto muna sila sa course tapos sa January na lang sila magreresume. :( hay. grabe. kung kelan naman kami naging bonded talaga saka nila ako iiwan. nag-drama talaga ako sakanila tungkol dito kagabi. nakakalungkot talaga kasi. sila lang ung super close ko from Nivel 1 tapos bigla silang mawawala sa Nivel 4. babalik sila 6 nako. :(


anu ba yan, Monday na Monday puro kadramahan ang nanyari sakin. Happiness, where are you? :)

21 September 2009

twist and shout

woah. ilang linggo ko na din palang hindi ina-update ang blog ko! masyado lang kasi siguro akong naging busy(?) sa kakaisip ng kung anu-ano, pagod sa biyahe, magulo utak. haha. pero eto na ako ngayon! nagbabalik para magshare sa mga nagbabasa ng blog ko. (kung wala namang nagbabasa edi for nostalgic purposes ko na lang. :P haha.)

Level 2 Graduation and Reden's Despedida



one word to describe level 2: nakakabitin. sobra. alam mo yung andami mong dapat i-absorb, i-cherish pero hanggang dun na lang? tapos sumabay pa na babalik na pala ulit ung prof namin, si Reden, sa Spain para ipagpatuloy ung PhD niya. wala. bigla lang akong nalungkot kasi sobrang ikli lang nung time na binigay samin para magkabonding talaga. pero wala na akong magagawa kasi ganun talaga e. hay buhay. we'll surely miss reden. nagiging matatag yung foundation namin sa basic Spanish dahil magaling siya magturo at magmotivate ng students. at siyempre mamimiss din namin sina reynold at romeka. les gusta jugar al tennis pair. hindi na kasi sila tutuloy sa level 3.. magcoconcentrate na sila sa Cannon Law. :P haha.

pero bago naman kami tuluyang magkahiwa-hiwalay, nagcelebrate yung class namin sa Los Ambos Mundos. ayon kay reynold (el administrador) oldest spanish resto daw un dito sa pinas. since 1888. astig! :) effort ito para sa class celebration. nung gabi na papunta na kami dun, effort talaga ang pagpunta! kaloob-looban ba naman ng recto! hahaha! pero cool ung place. parang noli me tangere era ang dating. :)


pagdating dun, ready na ang lahat. may food na. :P and speaking of food, the best ang pagkain nila dun! total win! they serve authentic paella and callos! woooh! parang nakalimutan ko ang pangalan ko nung natikman ko ung mga pagkain nila. haha. hindi to exaggeration o dala ng matinding kagutuman nung oras na un, masrap lang talaga luto nila. :P yeh! extra special din ung celebration dahil may wine na kami! haha. umaasenso! nung level 1 grad kasi Zesto lang. :P

sinama ko din pala si pol sa celebration namin para makilala siya ng mga classmates ko. :)

Reden, Reynold and Sister Romeka, i hope to see you soon. :) mas okay sana kung sa Espana tayong lahat magkikita-kita. :P salamat din sa 20 (10 for sister) meetings na nagkasama-sama tayo. muchisimas gracias. at para naman sa mga nivel 3 amigos y amigas, hasta en jueves. jejejeje. :)


Haruki Murakami





parang Pringles ang epekto ni Murakami sakin. once you pop, you can't stop. very addicting ung mga works niya. pati panaginip ko, HM-inspired na. :P


nakita ko 'to sa youtube. adaptation ng On Seeing the 100% Perfect Girl. part ata to ng The Elephant Vanishes.




Happiness

ika nga ni Kim Chui at Gerald Anderson, habulin mo happiness mo. eto na, hinahabol ko na. sana mahuli ko na talaga. :P




09 August 2009

On Parenting


All parents damage their children. It cannot be helped. Youth, like pristine glass, absorbs the prints of its handlers. Some parents smudge, others crack, a few shatter childhoods completely into jagged little pieces, beyond repair.


- excerpts from The Five People You Meet in Heaven

26 July 2009

Calling



okay lang na mahirapan ako. pangarap ko naman ang pinaglalaban ko dito. ayoko na magkaroon ng sidequest, gusto ko diretso na sa patutunguhan ko. alam kong mahirap pero dadating din ang balang araw ko. AMEN.

**
sobrang cheesy ng bago kong template. haha.

**
congrats nga pala sa mga kaibigan kong pumasa sa June 2009 NLE. wooh! manlibre na kayo! at siyempre, super congrats din kay Ingrid San Juan for making it to the top 10. taba talaga ng utak mo ever since. :) haha! licensed to care na kayo. goodluck! :)

**
have a good week ahead, folks!


08 July 2009

Man in the mirror



nakakaiyak. sobra. di ko akalain na sa likod ng pagindak at pagbirit niya ay nagtatago ang isang malungkot na michael. sayang. naappreciate ko lahat ng ginawa niya kung kelan sumakabilang buhay na siya.. :( sayang.

RIP Michael Jackson.

20 May 2009

Habulin mo happiness mo

summer is the perfect time to chill, to hit the beach, to go on a vacation and to travel. but unfortunately i didn't get much time for all these because i undoubtedly put my chances in the hands of some people whom i thought will bring more happiness if i go with them. then i realized that i waited long enough that summer is almost over.

so i learned my lesson. the next time i want to travel, ill travel alone. yes. alone. :) i will not harass people to come with me. i did so much begging this summer so i think that's enough. :)

this year, im planning to have 5 major trips. medyo malakas loob ko dahil malapit nako magka-sweldo. :P haha.

August - Zambales. i will try wakeboarding or windsurfing.
September - Bicol
October - Hongkong/Siquijor. sana kayanin ko ang HK. :P
November - Cebu
December - Baguio

im sure this will motivate me to work harder. :P haha. wooh! gow 5 major trips!!

11 May 2009

Mathematical approach


mano-mano sa pagddrawing.

Mr. Tenorio, our logic professor, said: "Do not let your emotion overcome your reason." so instead of writing a lengthy entry on what's happening between us I decided to deal with the situation in a more logical way.

Thanks Algebra and Logic. i know what to do now. definitely not Figure 5.



08 May 2009

I love 2NE1

i saw this on plurk:



i never liked sandara park but after watching this music video i must admit that she has improved! haha. ang lupit na niya sumayaw ngayon!! a lot of people commented on this video and one particular person said that sandara indeed went through strict dance rehearsals just to keep up with the other members of 2ne1. woooh! with that i now consider 2ne1 as the PCD of Korea. :P bwahahaha!!! FYI: im trying to copy their steps. haha.

and the real PCD:


Jai Ho - Pussycat Dolls

what i dont like about Pussycat Dolls is the unfair treatment they get from..their manager, promoter i guess. it's like everything revolves around nicole s. yeah she's great, she's talented but she is not the only member. there are still four others too who are waiting to be seen and appreciated. if i am a member of PCD i would get jealous of nicole. haha. seriously. :P ikaw na ang hindi matamaan ng ilaw sa mga music video di ka ba magagalit? haha. it's not PCD anymore, it's more of Nicole Scherzinger with her backup dancers. haha.

and this was recommend by Paul:



it's a good workout song. :P haha.

**
Paul is my kryptonite. He has the power to make and break me.


11 April 2009

Holy days

Maundy Thursday




matapos ang isa't kalahating buwang bakasyon, umalis na ulit si daddy papuntang korea. dun naghihintay ung sasakyan niyang barko tapos pupunta ata sila sa dubai at canada sa mga susunod na buwan. hinatid namin siya sa airport. sobrang nalungkot ako nung hinatid namin siya. first time ko kasi sumama maghatid sa kanya. dati kasi busy ako o kaya may pasok kaya hindi ako nakakasama. wala lang. eto lang ung naiisip ko nung mga oras na un, either tumigil ung oras para hindi na siya makaalis o kaya bumilis ung oras para hindi ko mamalayan na nakapasok na siya sa airport. basta. ayoko ng unti-unti ko siyang nakikitang pumapasok dun tapos naiiwan kami. hay. pero kailangan niyang umalis.

pero nakakatuwa kasi konti lang ung mga namiss niyang events sa buhay ko. wala siya nung araw na pinanganak ako at nung binyag ko pero nandun siya nung 1st birthday, 7th birthday, debut, at mga graduations. gumagawa talaga siya ng paraan para makasama kami sa mga milestones namin. :) sana sa araw na ikakasal ako nandun din siya..

hay. ingat daddy! we love you! :)


Good Friday

nakikinig ako sa Siyete Palabras (nakikinig lang kasi nageedit ako nun e) nung hapon at naiyak ako dun sa reflection dun sa ika-apat na wika. nagkwento kasi ung pari (di ko nalaman kung sino siya! grrr.) tungkol sa dati niyang kasintahan. nung magpapapari na daw si Father nagpaalam siya sa girlfriend niya na kailangan na nilang maghiwalay dahil nga gusto niyang maging pari. ang sagot nung girlfriend niya sakanya, "sige. kung yan ba talaga ung gusto mo. ano ba namang laban ko sa Kanya." 10 years after, nagkita ulit sina Father at ung gf. kaya sila nagkita kasi magpapabless ng bahay ung babae. bago ung araw ng house blessing sobrang kabado daw si Father kasi natatakot siya na makikita niya ung dati niyang girlfriend na may pamilya na pero nung araw nung blessing naging okay naman na lahat. tinanggap na ni Father na magkaibang landas na talaga ung tinahak nila at madami ng nagbago. sabi pa ni father (at dito ako naiyak!), "masakit man sa akin pero kailangan kong tanggapin na yung pinakamahalagang parte ng buhay ko ay pinakamahalagang parte na ngayon ng buhay ng iba."

hay. nakakalungkot. :(


Black Saturday

natapos ko ng basahin ung The Watsons Go to Birmingham--1963. tungkol sa racial discrimination sa mga african americans. ang ganda. :) kung nabasa ko lang to bago ung inaugural speech ni obama malamang nagpunta talaga ako sa washington para maramdaman personally ung victory niya. :P haha. seriously.

gusto ko ung part na to. Ung nagaaway sina Kenny at Byron.

Kenny, things aint going to be fair. How's it fair that two grown men could hate Negros so much that they'd kill some kids just to stop them from going to schoo? How's it fair that even though the cops down there might know who did it nothing will probably ever happen to those men? It aint. But you just gotta understand that that's the way it is and keep on steppin'.


**

ang sad neto:

If you’re reading this and you’re working in the same small circle that is the publishing industry, you might have heard the recent move of Summit to close T3, Marie Claire and Seventeen. Three really good foreign franchise titles closing down.

Read more




waaah! why oh why!!! pangarap ko pa naman makapagtrabaho sa marie claire! :( favorite magazine ko un e. kasama nga siya sa grad photo ko kasi dun ko talaga gusto magtrabaho. kaso wala na. :( sayang naman..

i will surely miss marie claire..


**

ineedit ko pa din tong blog na to kaso nasira ung photoshop kaya baka matagalan ulit bago ko maedit ung miscellaneous part. tinanggal ko na ung tagboard at pinalitan ng comments. sana magcomment kayo sa mga posts ko. :)

un lang naman. :)







09 March 2009

pkp


today i realized..

how much i love paul.
how painful it will be to face every minute of my life without him.
how happy i am when i am with him.
how grateful God is.
how excited i am to be his wife and mother to our babies.

we almost hit the flat line

til forever. piggy swear.



05 December 2008

bad day

rea: scott, bakit wala kang kasama lagi pag gumagala ka? madami ka namang friends?
scott: ayoko lang po kasi maabala sila.


haha. dapat pala mag ala scott na din ako. =) wala lang. pag gustong kong pumunta sa isa lugar, gow. pag may gustong sumama, gow din. pero never pahinga muna ako sa pagpaplano ng kahit anong lakad. di din naman kasi natutuloy. hindi ko alam kung palpak ako magplano, ayaw lang nila sumama o hindi lang ako malakas sa kanila. hay. nakaka-frustrate kasi.

di ko talaga gusto tong araw na to.

sobrang emo ko! tapos eto pa dagdag sa ka-emohan ko!



wag niyo masyadong pansinin ung chorus. di yan akma sakin.:P haha.

01 November 2008

what's cooking?

wala sa mood buong araw kaya nagluto na lang ako para naman sumaya. at ang niluto ko ay ham and egg. :P hirap e no?:P


okay ung pagkakaluto ko sa ham. golden brown. pero disaster ung sunny side up ko.:P


eeeek. what happened?:P huli ko na kasi yan niluto kaya naubusan ng mantika. tapos di maganda ung pagkakabiyak ko sa shell dahil nabasag ung pula.:P at nakalimutan ko lagyan ng asin.:P haha.

totoo pala ung kapag daw malungkot ung nagluluto hindi din daw masarap ung maluluto? wala lang. di masarap ung ham na niluto ko. :(

**

5 lessons i learned this day:

1. i should think before i speak.
2. i should be moooooooore patient.
3. he's only human. he gets tired too.
4. admit that it is my fault (if it is really my fault) and say sorry. in love, there's no room for pride.
5. keep him. forever.











31 October 2008

bomba

im done watching pushing daisies. may mga dull moments ako sa panonood pero okay lang. cool pa din. now, im watching chuck. =) action comedy.:P haha.

**

i still feel guilty about what happened yesterday. parang bombang sumabog tapos ngayon total destruction.

30 October 2008

trick or treat

when we graduated high school milcah, jhe, au and me swore to each other that there should always be a bestfriends-for-life reunion at least once a year. for almost 4 years, natutupad naman ung pangako namin sa isa't-isa kaso na-stuck na talaga kami sa "at least once" part.:P haha. once lang talaga kami kung magka-bonding. i guess thats the only chance we have. jhe is suffering from her toxic nursing sked, au is nowhere to be found, milcah and me always see each other in campus but never had the chance to bond together (busy-busyhan). haha. pero superfriends pa din kami. =) yeh!

this year, we planned to have the Ultimate Bonding Experience (UBE) at EK. =) haha. the last time we went to EK together was in grade 5.:P field trip pa un a!:P haha. lahat excited except for me. haha. dont get me wrong, i want to be with them kaso tumatak talaga sa utak ko ung pamahiin na lapitin sa disgrasya ang mga graduating students. =) before the sem ends, Sunday promoted EK's sembreak discount (he had his OJT in EK advertising department) but also reminded us that we are graduating students and that we should settle for carousel and other pa-cute rides instead of space shuttle etc. so sa sobrang ka-praningan ko, lagi ko siyang naiisip.:P may mga daydreams pa nga ako na nakasakay kami sa jungle log jam tapos biglang tumigil ung log habang pataas siya tapos nahulog kami.:P haha. pero kinontra naman ni jill ung sinabi ni Sunday. "kung oras mo na, oras mo na talaga. malay mo sa bahay ka pa napuruhan diba? at least pag sa EK mamamtay kang masaya." haha. may point nga naman so tumuloy kami sa EK. pero no space shuttle and jungle log jam. =) wala namang masama kung mag-iingat diba?



9am sa Rob Dasma ang meeting time kaso na-late ako ng 1 hour dahil may mga inasikaso pa ako sa school. tinatawagan na ako ni milcah sa sobrang late ko.:P haha. pero okay na din ung na-late ako kasi nabawasan ung masamang kutob ko.=)

bonding sa van. napaka-ingay namin dun sobra! feeling ko nga nabulahaw namin ung mga ibang pasahero. pagdating sa sta. rosa, lunch sa walter tapos EK na.

pagdating sa EK, ang daming tao! sobra! gusto na namin kumanta ng "pila forever, ill be waiting.. everlasting.. like the sun." :P haha. habang nakapila kami, i saw gino. =) binulungan niya ako na sumingit na kami kasi aabutin kami ng siyam-siyam sa pagpila pa lang pero tumanggi ako kasi its unfair. =) yeh!

12nn kami dumating sa EK, 3pm kami nakapasok. =) ang saya diba? naluto kami sa sobrang init! pero eto ung weird, pagpasok mo sa EK parang ibang mundo na.:P dahil malamig tapos maaliwalas ung panahon. =) haha. siguro un ung magic sa EK.:P

pagpasok na pagpasok, kinuha agad namin ung free Pepsi namin! ubos agad sa sobrang uhaw.:P haha. tapos gow na agad sa rio grande! surprisingly, maikli lang pila dun kaya nakasakay kami agad! haha. napuruhan ako nang matindi dahil basang basa ako.:P as in tumutulo ako pagbaba sa ride hanggang naglalakad.

flying fiesta (twice), mini space shuttle (i forgot the exact name). eto lang nasakyan namin dahil sa sobrang haba ng pila. :P haha.

nakita ko obzite dun. nakasama ko din si pol.



we survived the day phycially unscathed but later that evening i realized that the masamang kutob actually transpired--only in other form.

we should have gone ice skating.