23 September 2009

office and bus rides



mga kuwentong nadidinig ko lang sa opisina at sa bus. nakakatawa kasi kaya gusto ko lang i-share. :)

Kwento 1: Scary Trend sa Ofis

kahapon nakipagkwentuhan si boss samin. tinanong niya kami isa-isa kung ilang taon na kami tsaka kung ano ba ang civil status namin. 90% ng empleyada dun ay single. as in olats ang lovelife. nagtaka si boss. sabi niya:

"masyado ko na ba kayong pinapahirapan kaya wala na kayong oras magka-lovelife?! okay naman ang pinapasweldo ko sa inyo, hindi ko naman kayo pinipilit mag-OT, sagana naman kayo sa leave pero bakit wala pa ding nag-aasawa sa inyo? aba, hindi naman ata ako papayag na wala akong mapuntahang kasal ng mga empleyado ko no! hala, sige, mag-leave na kayong lahat, humanap kayo ng boyfriend!"

hahaha. ang cool ni boss e. talagang nagaalala siya na baka maging old maid lahat ng employees niya. FTW! :p

Kwento 2: Facebook Effect

kanina sa bus pauwi kasagsagan ng traffic sa Baclaran, nadinig ko ung usapan ng 2 babae sa likod ko. tantsa ko, nasa mid 30s na sila. pinauusapan nila ung isang game sa Facebook.

Babae 1: ang tagal naman. kainis.
Babae 2: onga e. ihaharvest ko pa ung crops ko sa farmville.

o ha! yan ang totoong adik na sa FV.:P

Kwento 3: Caretaker

isa sa mga win na linya ni velay sa Project Chase.

Velay: hello! pwede kay **?
Operator: who's this?
Velay: caretaker niya.

^______^ whaaaaaat? :P

Kwento 4: Music and Lyrics

kanina ko lang nadinig ung segment ng I FM tungkol sa mga mali-maling lyrics. ang example nila kanina ay ung kantang Nothing's Gonna Stop Us Now. ang totoong lyrics nun ay: and we can build this thing together/standing strong forever/nothing's gonna stop us now. tapos may ibang kumanta. eto na ung lyrics niya: and we can build this thing together/steady strong and never/nothing's gonna stop us now. hahaha!

nung nadinig namin un, nag-share din si velay na meron naman siyang nadinig dati na kumanta ng I'm a Bitch ni Alanis M. ang totoong lyrics nun ay: im a bitch/ im a lover/ im a child/ im a mother. ang version na nadinig ni velay ay: im a bitch/im a ladder/ im a child/im a mother. hahahaahhahahahaha.

laughtrip lang. :P kaya minsan nakakahiya kumanta lalo na pag di kabisado o alam lyrics. mahirap na baka ma-example sa I FM.:P hahaha.

Kwento 5: Pet names

hindi talaga ako masyadong mahilig magbigay at magpatawag sa pet name. (sa friends. ibang usapan pag boyfriend) okay lang sakin na bigyan ako pero kapag tinawag ako sa ganung pangalan malaki ang chance na di ko pansinin ung tumawag sakin. hindi dahil sa snob ako kundi dahil may memory gap ako. :P hahahaha. ewan ko. hindi ako sanay matawag sa kung anu-anong cute/mushy names. okay na sakin Rea or Reamel. yeh!

minsan kasi ang masaklap na mangyayari kapag nabigyan ka ng pet name ay baka may kaparehas ka na tapos.. basta. nakakairita. ayaw lumagay sa lugar. hindi ko alam kung sadya ba yun, gusto lang niyang i-conceal ang kanyang true identity (bummer. no use. i will know everything anyway.) nagpapacute (PAKYUT!) o kung anuman. grrrrrrr. ayaw ba niya ung pangalan niya kaya di niya nilagay. shit. edi siya na ung hayup animal na un. iba na lang ako. beh. tapos eto namang isa, gow pa din ng gow. parang wala lang ako e. dragging issue na pero sige pa din ng sige. wala man lang delicadeza/sensitivity tsk. hay. buhay.







No comments: