September 27, 2009
edited and posted: October 3, 2009
last day na ng short course ko sa Micrcoadd pero parang tinatamad ako pumasok dahil umuulan. naghihintay ako ng tawag o kaya text from Microcadd or from Ielee kung tuloy ba ang class o hindi. sa wakas nagtext na si Ie na tutuloy daw siya kasi sayang naman kung aabsent pa kami e last day na nga. edi gow na din ako. nagdala na din ako ng sasakyan for convenience kasi mahirap sumakay sa Bacoor kapag sobrang lakas ng ulan.
8 oras na klase. alam naming umuulan sa labas pero wala kaming idea kung gaano kalakas ang ulan. mahina din ang signal sa classroom kaya late naming natatanggap ang mga text messages. hanggang sa dumating ung receptionist ng Micro para magpasagot ng final evals at para i-announce na pwede nang umuwi kasi baka daw lalo pang lumakas ang ulan. lalo pang lumakas ang ulan. medyo di ko pa gets kung anong ibig niyang sabihin dun hanggang sa makalabas na kami ng classroom. halos lahat ng stores sa SM ay nagmamadaling magsara at nagbagsak presyo na(nail polish sa Watson 10php each na lang!, tinapay sa French Baker 50% off na!). panic mode ang mga tao dun kaya nagmadali na din kaming 3 umuwi (Joyce,Ie and me). nung papunta na kami sa parking lot, hanggang binti na ung baha! sa parking lot palang yun, pagdating ng hiway, halos hanggang hita na! naisip ko na good decision ung pagdadala ko ng sasakyan kasi nga mas mahirap sumakay pero nagkamali ako. yung inakala kong for convenience ay naging inconvenience dahil pinasukan ng tubig ung kotse! grabe! nagpapanic si Ielee, pati ako na-blangko utak ko kasi first time kong maranasan un. kahit anong tapak ang gawin ko sa gas, wala talaga! di kami umuusad tapos ung mga ilaw pa halos namamatay na!ambilis ng akyat ng tubig kasi umabot hanggang hita ko na kaya lumabas na kami, humingi ng tulong at tinulak na ung sasakyan sa mataas na lugar. sa tapat ng Bodega Sale kami napadpad. struggle maglakad sa baha! kahit hanggang hita lang siya mahirap makausad dahil sa lakas ng agos. Survivor Philippines Bacoor ang drama namin sa kalsada. whew!
nakakakaba ung nangyari. parang lahat ng sasakyan na dumadaan, tumitirik. andaming naglalakad sa baha, andaming na-stranded sa kalsada, naulanan na kami. grabe. FIRST TIME! mga ilang oras ata kaming tumambay sa Bodega Sale hanggang sa nag-decide kami na pumunta sa Mariche for shelter. natulog na kasi ung mga kuya Bodega Sale kaya wala na kaming kasama sa kalsada.
pagdating sa Mariche, nahimasmasan na kami. nasa safe place na kami. nabawi din namin ung energy namin. around 1230am, tumawag ung taga front desk sa room namin kung magchecheckout na ba kami. feeling namin parang pinapalayas na nila kami kaya umalis na kami. tsaka wala na kaming pera nun. haha. nung bayaran na, short kami ng 90php! (i think) ung mga barya-barya namin nakaipon ng 50, so 40 na lang. pucha. binaliktad na namin ung mga bags at bulsa namin pero wala buti na lang nagkaroon ng himala kasi pagkapa ko sa bulsa (i didn't know na may bulsa pala un) ng bag ko e may 2 20!! woooh! milagro talaga! so naka-eskapo kami sa Mariche.
1am, unti-unti nang humuhupa ang baha pero di pa din kami makauwi dahil shigwak ang sasakyan. pansamantala siyanng na-comatose dahil sa baha. tumatawag na kami sa mga families, friends namin kaso wala. naisip ko ng ipa-tow ung sasakyan pero naisip ko na sobrang mahal ng gagastusin dun kaya wag na lang pala. bandang 3am may dumating na kagawad from dasma.susunduin daw niya ung asawa niya sa Las Pinas kaso di daw kakayanin ng motor niya kaya nagpalipas oras siya sa tapat ng Bodega Sale. kinapalan ko na yung mukha ko at humingi ako ng bonggang tulong. okay naman. tinulungan niya talaga kami. binigyan pa kami ng food! grabe. parang relief goods lang. hahaha. siya ung naghanap ng magsesres (parang "cardiac arrest" sa makina) sa makina ko kaso wala talaga. kahit nakailang jumpstart na kami wala. deads ang baterya kaya no choice kundi hatakin. siya din naghanap ng maghahatak. iiwan na niya sana kami kaso sabi ko hindi ako marunong magmaneho pag hinahatak. :P kaya pinakiusapan ko na siya magmaneho hanggang dasma. nakakahiya talaga kay kuya kasi tumatawag na ung asawa niya pero gow pa din. hay.
6am ako nakauwi sa bahay. 10 hours stranded sa bacoor. hanep!
mga natutunan ko sa experience na ito:
1. trust your instinct. kapag tinamad na pumasok, gow lang. hahaha!
2. magdala lagi ng mga tools para sa sasakyan kung magdadala ng kotse. wag lang drive nang drive. :P
3. meron pa ding mga taong mababait at handang tumulong ng walang kapalit.
4. meron ding mga taong mapagsamantala kahit sa panahon ng krisis.
5. the worst situation will bring out the best in you. :)
memorable talaga 'to. hindi ko akalain na ung mga nakikita kong trahedya sa TV ay mangyayari din sakin. alam kong walang wala to kesa sa mga nangyari sa iba pero nakakashock pa din kasi first time.. hay. iba ka Ondoy. ang lakas mo!
TC everyone! :)

2 comments:
Grabe pala experience mo, buti safe ka :)
buti na lang po talaga at may mga tumulong. :)
Post a Comment