October 1, 2009
edited and posted: October 3, 2009

dahil lubos akong nagpapasalamat at naging okay kami nila ielee at joyce sa Ondoy experience namin, sumama ako kina marvin na magvolunteer sa Megatent Relief Center. sabay-sabay kaming pumunta nila paul at jr kasi di namin kinaya ung 7am na call time. pagdating dun, andaming tao. karamihan puro mga kabataan. nakakatuwa kasi madaming gustong tumulong pero may mga ilan din akong naobserbahan na sa tingin ko e hindi kagandahan:
1. okay na madaming tao, madaming gustong magvolunteer pero hindi okay na madaming nagvovolunteer just to show off. napansin ko kasi na may ibang nagsign-up pero more picture picture as if may pictorial at pagpapacute lang ang ginawa. well, i understand na "nature" na nila
yon pero i think inappropriate sa situation. wala. nakaka-disappoint lang kasi. akala mo talagang tutulong yun pala porma lang.
2. nagtataka lang ako sa magiging distribution ng goods. ang laman kasi ng 1 relief bag ay 1 pack of noodles, 2 bottles of water, 4 Nissin biscuits, 1 plastic of rice. applying the rules of equality, 1bag:1 family representative. kung ang makakatanggap ng bag na ito ay ikukunsumo lang ng 1 tao, okay lang. sapat na un. pero pano kung ang 1 bag ay paghahatian ng 1 pamilya na may 4 na miyembro. sapat na ba un? hmm. walang equity. (bigla ko lang naalala ung sinabi ni Sir Polo sa DevCom class namin)
3. (from LSGH) nakwento ng classmate ko sa Instituto na may nagdonate daw sa LSGH ng 2 boxes ng Hershey's Kisses. haha. ang sweet sana kaso may mali e. :P akala siguro nung nagdonate ay loot bag ang ipamimigay, nakalimutan niyang relief goods ang kelangan. sana imbes na chocolates ang bilhin niya e canned goods na lang or mineral water. haha. weird.
pinauwi na kami nung wala ng goods na ipapack. tapos diretso na kina donna. birthday kasi niya. :)
favorite ko ung barbecue at potato salad nila donna! di nakakasawang kainin. nakailang balik ata ako para kumuha ng food. hahaha! :P tapos card games kami. talunan ako sa in between! hanep. di ako nakabawi kaya tumigil na lang ako. haha. natutunan ko na din sa wakas ang lucky nine (sugal version) at baccarat! haha! paborito ko na baccarat basta si ian ang dealer. in character talaga kasi siya e. :P nakakatense kapag nagbibigay ng cards. hahaha.
**
on-going pa ang relief operations para sa mga biktima ni Ondoy kaya kung gusto niyong mag-volunteer, gow na. :) masaya makatulong sa iba.

No comments:
Post a Comment