20 July 2009

Tour and Movies

July 19

Old Manila Walks

isa ako sa mga pinalad na makasama sa joint project ng Youth Trip Philippines at One Tama-- free walking tour sa Intramuros. akala ko talaga wala na akong chance na makasali kasi late ko na nakita sa facebook, ayun. buti naman nakahabol pa ako. :P hahaha.

One Tama rep and Ivan ManDy

230pm ang assembly time sa Plaza Roma. wala akong kakilala kahit isa sa mga makakasama ko sa tour, even the organizers di ko pa talaga kilala. kaya stalker mode ako. :P sinusundan ko ung mga mukang turista sabay tanong kung kasama sila sa tour. hahaha. buti ung mga natanong ko, kasama talaga. yeh! nung nakumpleto na kami (40+ tourists), gow na agad sa tour. nga pala, ang tour guide namin ay si Ivan ManDy.

San Agustin Church

na-refresh ang Phil. History ko habang bumibisita kami sa ibat-ibang lugar sa Intramuros. parang bumalik ako sa 1521 nung pinuntahan namin ang San Agustin church museum, Manila Cathedral, WW2 crypt, Casa Manila. pag nakapasok kayo sa San Agustin museum, pansinin niyo ung mga ibang santo nila. Hispanic in nature pero mga singkit ang mata nila. :P (imagine Mama Mary na singkit). kaya pala ganun ung pagkakagawa sakanila kasi mga Chinese sa Binondo pala ang umukit ng mga un. :P haha. dati daw kasi sa mga Chinese nagpapagawa ung mga prayle ng mga santo. e dahil sa Buddhist ang mga Intsik wala silang idea kung ano ba talaga ang itsura nila Mama Mary, Jesus Christ kaya pinattern na lang nila sa mga Buddhist Gods ung itsura. haha. share lang. :P

claire, regina, me and Jochem

nakakaaliw kasi mas maapreciate talaga natin ung isang bagay pag madami na tayong nalaman tungkol sa bagay na yun. bukod sa madami na akong natutunan, madami din akong naging friends. :)

okay na first to para saking mahilig mag-travel. magsimula sa malapit bago lumayo. woooh! sana eto na din ang sign na matutuloy lahat ng travel plans ko this year. ;)

anytime this month, sa Binondo naman ang trip ko. :P

**
pagkatapos sa Intramuros, dumiretso na ako sa CCP for Cinemalaya Cinco.




nakasama ko naman dun sina Ivan, Valerie, Jill, Pol, Mariss, Ghene, Rai at Elyse. napatagal ang kain namin sa Dencio's kaya Shorts na lang ung naabutan namin.

personal favorites ko ang Tatang (social issue) , ung thesis ng UPFI students na nanalo din sa Indie Un-Film (nakalimutan ko na title. shocking ang plot twist! kinilabutan ako! hahaha. ) at Wat Floor Mam (satire). eto ung first time ko na makapanood ng mga shorts.:P haha.

nastarstruck ako kay Nikki Bagaporo. pero mas malupet si Elyse! talagang chinika pa niya. "may kasama ka ba?" FTW! hahaha! aliw lang. gusto ko din sanang chikahin si Robert Sena (isa sa mga direktor ng Wat Floor Mam) kaya lang nahiya ako. :P tsaka sayang kasi di namin naabutan ung gala ng Astig. oh well.

if you have lotsa free time this week please head on over to CCP. Support Filipino Indie films. Watch Cinemalaya. :)

**
medyo late na nakauwi kaya dito na natulog si pol sa bahay. bago siya umuwi kanina, nag-date pa kami sa SM Dasama. <3






No comments: