Level 1 Graduation
last day of class. sobrang kabado kami kasi akala namin one-on-one yung oral exam, yun pala group activity lang! haha! 3min skit tungkol sa mga pinagaralan namin. :P parang comedy lang yung nangyari pero at least nakakapag-express na kami in Spanish. :P haha. poco a poco, se va lejos! woooh!
after exam, nagyaya sina Nolan at Reynold na mag-kape. celebration daw kasi tapos na kami sa level 1. ayun. nilibre nila kami sa CBTL Rob. nagshare ulit si Reden ng mga adventures niya sa Spain.:P haha. ang saya. :P
nalampasan ko din ang A1.1! haha! buti na lang talaga hindi ako nagpadala sa pananakot (acting lang pala niya un para ma-intimidate kami) ni Reden nung first day of class kundi di ako magkakaroon ng ganitong klaseng experience. sobrang saya. :) extension to ng buhay estudyante ko. seatworks, recitation, aral, final exam.. student life after DLSU-D. :)
mamimiss ko talaga lahat ng naging classmates ko. kahit one month lang kaming nagkasama at kahit magkakaiba kami ng pinanggalinga, madami kaming mga masasayang moments. di ko makakalimutan yung first day of class! sabay-sabay kaming naboblats at na-nosebleed sa mga tanong ni Reden! hahaha! hay. di ko alam kung kelan ko ulit sila makikita o kung makikita ko pa ba sila. (drama) haha. basta, kung may classmate man ako na makaka-stumble sa blog entry na ito, salamat sa mga alaala! yeh!
Tagaytay Trip with COF
post-birthday celebration ni Au. bente na siya pero siya ung mukang pinakamatanda. :P hahaha. peace ipis! ^__^
memorable ang trip na to dahil first time (since college graduation) ulit namin nakasama si Milcah sa mga gala! haha! akala kasi namin nilamon na siya ng buhay ng trabaho niya. di pa naman pala. still alive and kicking pa siya sa IBM. hahaha! gow!
sa Dencio's kami nag-dinner. medyo bitin samin ni Jhe ung pagkain, nagpaparinig na nga kami kay Au pero wala e. :P manhid ang lola mo. haha! tapos tambay sa Starbucks. dramahan portion na naman courtesy of Jhezra and Milcah. bakit kaya laging may ganitong portion kami no? :P emo na ba ang tropa? :P
nung pauwi na, naghanap kami ng pampasalubong (parang ang layo ng nilakbay namin no). habang naghahanap, nakaisip ako ng activity na pwedeng gawin ng tropa. :P haha. saka ko na ishshare pag okay na. :P haha. basta, sana matuloy ung naisip namin. :)
Elem BFFs
bago pa nabuo ang COF, sina Dustin at Julianne muna ang mga BFFs ko. haha. magkakaservice kami sa jeep ni Mang Fer mula grade 5 hanggang grade 6. after elementary graduation, lumipat si Julianne ng school tapos ako naman, lumipat na sa ibang service. bale, grade 6 kami huling nagkasama. matapos ang 5 years, nagkaroon ulit kami ng connection thru Facebook! (hanep! iba ka FB! we lab you!!) at ayun, nagkayayaan na mag-reunion! ayossss! hahaha!
habang papunta ako sa meeting place namin, naeexcite at kinakabahan ako at the same time. naeexcite kasi siyempre, makikita ko ulit sila pero kinakabahan din kasi baka magkaroon lang ng mga awkward moments dahil matagal na kaming di nagkikita. pano kung iba na pala yung taste nila? pano kung nag-iba na sila? ganun. pero nawala lahat ng kaba ko nung nadinig ko ung boses ni Julianne! grabe, ang ingay pa din! walang pinagbago! pati si Dustin, ang lakas pa din mag-asar! haha! bakit kaya ganun no? may mga tao talaga na kahit matagal mo na di nakita, parang close pa din kayo? yung tipong, parang di naman talaga kayo nagkahiwalay? basta, ganun ung feeling. yung mga pinaguusapan namin e circa 2004 pa. :P ang saya. old friends. :)
pagkatapos tumambay sa CBTL, nag-Malate kami. uminom sila tapos ako kung-fu lang. :P hahaha! maaga din kami umuwi kasi natatakot si Dustin sa mga batang beki (kay Dustin ko lang to nalaman. new word. ) dun. :P haha.
**
okay din pala itong
PS: I would also like to thank my loving boyfriend for keeping me sane and alive, for staying with me through thick and thin. Big thanks! You know how much i love you! hahahahahaha! yeh! :)

No comments:
Post a Comment