first day ulit ng klase! this time level 2 na ako! yey! :) hindi na ako katulad nung una, medyo tinubuan na ako ng spine at nagkaroon na din ako ng confidence makihalubilo sa iba. ganun ata pag upperclassman na?:P
pag pasok ko sa student lounge nagulat ako kasi naghihintay dun sina Adrian at Gemma! weee! same class ulit kami! haha! ayos! di ako masyadong mao-OP! dumating din sina Honey Leigh, Deanna, Reynold at Philip! hahaha! woooh! at ang pinaka-malaking sorpresa talaga sa first day ay ang prof: Reden Libo-on ulit! hahahahaha! parang reunion lang! unexpected talaga! di na ako tatamarin pumasok kasi nandun na ung mga friends ko at baka mabatukan ako ni Reden. :P
parang melting pot yung klase namin. may classmates akong American, Indonesian at Taiwanese. iba't-ibang kultura na naman ang makikilala ko sa level 2! exciting!!! :) looking forward ulit ako sa TTH. :)

No comments:
Post a Comment